Chapter 29

3.2K 119 34
                                    

SELENE

"What about her Mark?" I asked while looking at him.

Mukang stressed siya at kulang sa tulog dahil napansin ko yung malalaking eyebags niya. I think it's not only about work dahil alam ko na madali lang para sa kan'ya I handle ang trabaho. Kinabahan rin ako dahil gusto niyang pag usapan si Rhiane.

Sandali siyang natahimik na parang nag isip bago ako binalingan ng tingin.

"I know what's happening between you and Rhiane" sagot niya.

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya kaya agad kong kinuha ang ice coffee sa harap ko. I never told him that I like Rhiane dahil baka hindi niya magustuhan. He's my friend pero inisip ko na tito siya ni Rhiane kaya tinago ko nalang rin sa kan'ya.

"You like her right?" Seryoso lang itong naka tingin sa akin.

"Y-yes pero hindi ko sinabi sa kan'ya" sagot ko.

What the heck Selene, you're such a great liar.

"I know pero bakit hindi sinabi sa'kin?"

"Mark, kasi alam ko na hindi mo magugustuhan but don't worry I'm trying to push her away dahil ayoko na masaktan siya at maka dagdag pa sa mga problema niya." I sighed. Nai-stress na naman ako.

"It's not like that Selene" napatingin ako sa kan'ya. "Siya nalang ang naiwan ni Reagan na meron ako...at ayoko na bumalik na naman siya sa dati" malungkot na paliwanag nito.

Napansin ko na parang masyado siyang naging emosyonal, ganito siya palagi kapag si Rhiane na ang pinag uusapan. He's always protective when it comes to Rhiane.

Kung marami akong tinatago ay mas maraming tinatago ang lalaking ito. Parehas lang kaming dalawa, parehas kaming duwag.

"At hanggang kailan mo balak itago sa kan'ya ang totoo Mark?" tanong ko kaya bigla siyang napakagat sa labi niya.

"Mas mabuti to dahil ayoko na mas maguluhan siya sa buhay niya" Sagot niya na parang dismayado.

"Hahayaan mo nalang bang ginaganon siya ni Marcus?"

"Siya parin ang tatay ni Rhiane"

Sinubukan kong abutin ang kamay niya sa table at hinawakan ito.

"I know that you're better than him kahit na kasalanan man sa paningin niya ang nagawa mo." I squeeze his hand.

"What happened between me and Reagan is just a mistake pero alam kong sa akin si Rhiane." Nakita ko ang pag patak ng luha mula sa mga mata niya. "Nararamdaman ko yun kahit ilang beses pang itanggi ng kapatid ko."

"Bakit hindi mo pina DNA test?"

"Hindi ko kailangan no'n dahil sigurado ako" He wiped his tear.

"Paano kung kay Sir Marcus talaga s'ya?" I asked again.

"Hindi ako naniniwala pero kung sakaling kay Marcus talaga siya ay wala paring mag babago." He looks at me. "I will protect her dahil yun ang pinangako ko kay Reagan" He said with a determination in his eyes.

Hindi ako sigurado kung siya talaga ang tatay ni Rhiane dahil na kwento lang sa akin ni Mark na bago ikasal ang mom ni Rhiane kay Sir Marcus ay may nangyari sa kanila ni Mark.

Arrange marriage lang raw kasi ang parents ni Rhiane at si Mark talaga ang boyfriend ng mom ni Rhiane. Pinaglaban naman raw ni Mark yung relationship nila pero hindi parin pumayag yung parents nila dahil panganay si Sir Marcus.

And yeah, it's all about f*vcking business again.

I hate that kind of set up dahil ganun din ang nangyari sa parents ko. Nag pakasal si dad sa iba kahit si mom ang girlfriend niya that time. He even hide me before para maka iwas sa issue, akala pa niya ay peperahan lang siya ng family ni mom dahil sa sustento ko but he doesn't know that my mom's family is also wealthy kaya hindi ko kinailangan ang tulong niya sa buhay ko. Pinilit lang ako ni mom na kilalanin siyang tatay kaya kahit papano ay kinakausap ko siya.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon