Chapter 53

3.2K 92 36
                                    

RHIANE

"It's an honor to work with you Architect Miranda" masayang inabot sa akin ng isang lalaki ang kamay niya. "Your design is very impressive, sigurado ako na pag aagawan ka ng mga company kapag bumalik ka ng Pilipinas."

Ngumiti naman ako at tinanggap ang kamay niya. "Thank you Mr. Armani, umaasa akong mag kakaroon ulit tayo ng project together" I replied.

"I'm looking forward" He smiled.

Muli kaming nag kamay bago siya tuluyang lumabas ng meeting room kasama ang iba pang investors.

"Woah...what's that smile on your face Ate?" Napatingin ako sa lalaking pumasok sa pinto.

"What are doing here Rain" I asked.

Inayos ko ang mga gamit ko at nag lakad palabas para pumunta sa office ko. Sumunod naman siya sa akin, habang bitbit ang isang paper bag.

"I'm here to drop this" Nilagay niya sa table ko yung paper bag. "Dala ni Renz yan kanina at sinabi niya na idaan ko sayo" He said.

Kinuha ko naman yung paper bag at sinilip ang nasa loob, kusa akong napangiti nung maamoy ko ang paborito kong ulam.

"Saan niya galing 'to?" I asked bago ilabas yung kare kare at rice sa paper bag.

"Pinaluto niya raw kay Lola" Sagot niya naman bago umupo sa couch ko.

"Sure ka ba na babalik kana ng Pilipinas next week?"

Saglit akong tumingin sa kan'ya bago bumalik ulit sa kinakain ko. "Yup...gusto na ni dad na palitan ko na siya, mag re-retired na raw yung matanda." Sagot ko na kinatawa naman ng kapatid ko.

"Grabe ka talaga kay dad, sama kaya kami ni Renz sayo?" Napaisip siya at sumandal sa couch.

"Tapos ano? Pasasakitin niyo ulo ko?" I rolled my eyes.

Naiisip ko palang na sasama sa'kin yung kambal kong kapatid feeling ko ma-istress ako. Wala kasi silang ginawa kun'di mag bar gabi gabi, jusko wala na yatang plano sa buhay nila.

"Sige na, para makita rin namin si dad. Mukang lolo na yata e" Pamimilit pa ni tukmol sa'kin.

"Fine! Wag n'yo kong mabigyan bigyan ng problema dahil kahit anong oras paliliparin ko kayo pabalik dito."

Ibinalik ko na yung mga pinagkainan ko sa paper bag at inabot yung tumbler ko ng tubig.

"Oh bakit ang init ng ulo mo Ate?" Napatingin kami sa pumasok sa office ko.

Tumingin ako sa kan'ya at kay Rain bago ako nag salita. "Nalilito talaga ako sa inyong dalawa, mag kamukha talaga kayo." May irita sa muka ko.

"Ate natural kambal kami" Si Rain na umirap pa.

"I have a good news" Saad ni Renz.

"What?" I asked bago sumandal sa swivel chair ko.

"Magkaka apo na si dad!" Masayang balita niya na kinalaglag ng panga ko.

"Are you kidding?!" Si Rain na gulat.

"Nope, buntis si Ashley Ate" Tumingin si Renz sa akin bago kamutin ang ulo.

Anak ng tinapaaaaa!

Sinasabi ko na nga ba na makaka pasari talaga 'tong mga sira-ulo na 'to.

"Oh my! Inunahan mo pa talaga si Ate?" Tumawa si Rain bago tumayo at umakbay kay Renz.

Napahilot nalang ako sa sentido bago yumuko.

"Gusto mo bang tapusin ko buhay mo ngayon?" I glared at him.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon