Chapter 39

3.6K 90 3
                                    

RHIANE

"Huy, para kang tanga baka naman matunaw yan" bumalik ako sa ulirat ko nang marinig ko si Kath na bumulong sa akin.

"Wala kang pake" inirapan ko lamang ito at naka pasalung babang pinag mamasdan ang girlfriend ko.

Mula kasi kaninang dumating siya sa klase namin at nag turo ay wala rin akong ginawa kung'di panoorin lang siya. Pinagalitan pa niya ko kanina pero syempre matigas ulo ko kaya hindi ako sumunod.

Hindi parin kasi ako makapaniwala na girlfriend ko na siya. Akala ko nananaginip lang ako kagabi pero nung nagising ako habang naka yakap siya kanina sa'kin ay parang gusto ko na agad mag pa kuha kay lord. De joke lang, papakasalan ko siya at magkaka anak kami ng kambal.

Paladesisyon yarn?

Tatlong buwan na siyang nag tuturo sa amin pero wala paring pag babago, seryoso parin palagi at napaka professional tignan. I can't deny talaga na sobrang galing niyang mag turo.

At the age of 25 ay nakaka bilib talaga dahil sobrang bata niya para maging gan'yan kagaling. Tatlong taon pala ang tanda niya sa akin, pero wala akong pake kasi age doesn't matter duh.

"Hindi ko alam kung bakit pinatulan ka ni Ma'am eh ang lakas ng tama mo" narinig kong mahinang tumatawa si Kath.

Sinamaan ko naman siya ng tingin "Pag inggit pikit, wag kang bitter sa buhay. " Nang iinis na sabi ko dito at umiling lang.

Nasabi ko na rin sa kanila na kami na ni Selene since mukang kahapon palang may idea na mga to. Kinuwento pa nila sakin kanina kung gaano s'ya nag aalala sakin kahapon.

May tiwala naman ako sa mga kaibigan ko kaya ayos lang sa akin na alam nila at wala rin akong balak itago ang relasyon namin. Napaka ganda nang babaeng yan para itago, baka pag nainis pa ko ipa billboard ko muka nyan sa harap ng university.

Tumingin ako sa paligid pero hindi ko nahanap yung gusto kong makita. Ngayon lang siya nag absent kaya nakakapag taka.

"Nasaan si Maybs?"

"Nasa faculty, may pinaasikaso daw yung president n'yo" sagot naman ni Kath.

Oo nga pala...magiging busy siya dahil pinasa ko sa kan'ya yung ibang pinapa asikaso sa akin ni Uncle. Pano ba naman kasi ang dami kong kailangan harapin, yung practice sa regionals tapos yung mga pinapagawa pa ng girlfriend ko sa subject namin dahil malapit na ang exam namin sa first sem.

"So what's your plan on your birthday? Next week na yon dahil exam na sa thursday" tanong ni Kath.

"Akala ko bang ikaw na bahala?" Kunot noo kong tanong rin sa kan'ya.

"So payag kana?"

Wala naman akong magagawa dahil kahit ayaw ko ay itutuloy parin nila.

"Oo na basta ikaw na bahala dahil busy ako" I sighed.

"Don't worry I got you and all you need to do is enjoy that day" sabay kindat naman nito na kina irap ko lang.

After ng exam namin need ko pa mag practice dahil after ng christmas break ay magaganap ang regionals. Ang hirap naman maging talented, masyado akong paborito ngayon taon.

"Miss Miranda and Miss Kath" para akong nanlamig sa boses na nanggaling sa harapan.

Sabay kaming lumingon ni Kath at sinalubong ako nang matalim na mata ng girlfriend ko.

Save me please..

"If you're not interested in my class...go to detention room now" malamig na usal nito.

"Ma'am hind-"

"Detention now!"

Napahilamos nalang ako sa muka at labag sa loob na tumayo bago sinundan si Kath palabas ng room.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon