Chapter 30

3.4K 89 15
                                    

⚠️WARNING: Violence,Abuse, R.18 and languages not suited for young readers.

RHIANE

"Hay nako... nakaka pagod talaga mag aral ng mabuti" bagsak balikat akong nag lakad papunta sa parking area.

Kakatapos lang ng practice ko sa glee club. Inabot na ako ng gabi dahil tinulungan ko pa si coach Aya na magbuhat ng mga gamit niya.

And yup... Wala rin akong nagawa kung hindi sumama ulit sa club niya. Nag aalangan pako dahil nakita ko si Trina kanina, nawala sa isip ko na member pala siya ng glee club.

Dalawang linggo na rin nung huli kaming nag kausap at kanina ko lang din siya nakita ulit. Gusto ko sana siyang lapitan kanina kaso parang iniiwasan niya ako. Ayoko na paasahin siya kaya mas mabuting na rin muna siguro na bigyan ko muna siya ng space.

"Ang sakit ng katawan ko!" I stretch my body as I walked.

Sobrang pagod ko ngayon dahil ang dami inuutos sa akin lalo na si uncle. Halos ako na yata lahat ang nag aasikaso ng mga event na magaganap dito. Estudyante pa ba ko dito? Hustisya naman, masyado nila kong paboritong utusan.

Ayus lang sana kung napapagod ako tapos nakikita ko yung laloves ko pero wala kasi siya ngayon kaya pakiramdam ko nanghihina ako.

Sunduin ko na kaya siya? Putek parang gusto kong gawing kabilang kanto yung Thailand!

Mahigit one week na kasi s'ya duon dahil may mga importante daw siyang inaasikaso at hindi ko pa alam kung kailan siya uuwi. May nag sasabi pa na baka mag tagal pa daw siya duon.

No please! Masyado na kong nangungulila sa kan'ya.

Simula noong nagkita kami sa park ay araw araw ko na s'yang kinukulit. Kahit na ilang beses niya ko pa akong itaboy at ideny niya sa akin ng paulit ulit na hindi n'ya ko gusto... hindi ko parin siya titigilan na suyuin.

Aba sinimulan niya to kaya panagutan n'ya ko.

Nakakatawa lang kasi sinabi ko pa dati na ayaw ko sa mga professor na indenial gaya ng sa wattpad pero eto ako ngayon..kagaya ng mga martir at marupok na studyante sa wattpad na baliw sa mga prof nila.

Ang tanga Rhiane...ang rupok mo!

Hindi naman ako ganito dati pero pag dating sa kan'ya na-babaliw talaga ako. Daig ko pa ang na rabies sa kan'ya.

Na miss ko tuloy yung lips n'yang sobrang lambot. Para kasing drugs, nakaka addict!

Oh my muka akong pervert!

Malapit na ko sa parking kung saan nakaparada ang kotse ko nang mapansin ko ang tatlong babaeng pinag kukumpulan ang isang babaeng naka upo sa simento.

Nag taka ako dahil iba yung uniform nila at medyo famiar din. I think mga outsider yung tatlo.

Nang makalapit pa ako ng kaunti ay nanlaki ang mata ko dahil may hawak na baseball bat ang isang babae.

Wait....are they from Horizon Academy? I know that uniform 'cause one of my friends is currently studying there.

What the hell!  Bakit may hawak siyang baseball bat?

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila nung nakita ko na sinabunutan yung babaeng naka upo nung isang babae para tumayo.

"You bitch!...do you think hahayaan ko nalang na mapunta ka sa iba?!" rinig kong sigaw nung babaeng may hawak ng baseball bat.

"What's happening here?" I raised my brows while eyeing them. Medyo kabado pa ako dahil tatlo sila at may armas pa.

"Oh look another useless bitch is here" nakangising sabi ng babaeng nasa gitna nung humarap ito sa akin.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon