Chapter 27

3.2K 94 25
                                    

SELENE

"Selene stop!"

Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na ingay ng tugtog sa bar.

Marahas kong kinuha ang baso at wine,  sinalinan ito hanggang sa mapuno. Handa na kong lagukin ito pero bigla nalang itong kinuha nang babaeng nasa tabi ko.

"Ano ba Alex.. ibigay mo sakin yan!" Halos sigaw ko at sinusubukan na kunin ang baso sa kan'ya.

"Selene that's enough...lasing kana" Pagbabawal niya sa akin at ibinigay ang baso sa isa pang babae na nasa harapan namin.

"Karla...ibigay mo sakin yan"

"No...tama na, iuwi na natin to Alex" saway naman nito sa akin at bumaling kay Alex.

"Bakit ba kasi hinayaan mong mag paka lasing yan"

"Aba tinawagan niya lang ako kaya sumunod ako dito tapos ganyan na siya nung dumating ako" Rinig ko pa na nag tatalo sila.

Gusto kong uminom hanggang sa malimutan lahat nang nangyari ngayong araw na to. I'm so tired of everything! Masama bang maging masaya? Bakit parati nalang may hadlang sa pag mamahal ko sa kan'ya?

Maya maya lang ay naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa muka ko. Hindi ko to mapigilan.. sobrang sakit ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga.

Fvck! I love her so much pero wala akong ginawa kung hindi saktan siya. Napaka duwag ko kasi.

"Selene umuwi na tayo" narinig ko si Alex at naramdaman ko na hinihila ako nito sa braso.

"N-no Alex... It hurts so bad" halos putol putol na sabi ko at tumingin sa kan'ya.

She gave me a sad look "Let's talk about this kapag hindi kana lasing" she said.

"B-bakit?... bakit hanggang ngayon duwag parin akong ipaglaban s'ya?" I looked at them "Simula kay Amaris hanggang ngayon na ikakasal na siya ay kailangan ko parin mag paraya?"

Hindi sila nag salita at naka tingin lang ang dalawang ito sa akin habang may bakas ng pagaalala sa muka nila.

"Ako yung nando'n simula umpisa pero never akong napansin... Sobrang sakit panoorin na iba yung mga taong nasa tabi niya at hindi ako. Ako yung nandito na walang ginawa kung hindi mahalin siya pero iba yung nasa tabi n'ya"

I remembered that Trina girl na palagi akong mauunahan sa tuwing susubukan kong lapitan siya para I comfort sa lahat ng problema niya.

I know she likes Rhine since freshman nila dahil parati ko rin siyang nakikitang sinusundan si Rhiane everytime na lasing to galing bar. She looks like stalker pero in a good way, I know she also wants to protect Rhiane kaya niya ginagawa yon, pero ako dapat yon.

Ako dapat yung taong nasa tabi niya at kasama niya sa lahat ng bagay.

"Kasi minahal mo siya sa malayo...hanggang kailan mo balak saktan ang sarili mo Selene? It's been five years pero wala paring progress yang pag mamahal mo sa kan'ya. You keep telling us na kung gaano mo siya ka mahal pero never mo naman ginawan ng action. You keep wasting time Selene, hindi ka pa ba napapagod?" para akong sinampal ng realidad nang marinig ko ang sinabi ni Karla.

"Karla that's enough!" Pigil ni Alex sa kan'ya.

"No Alexis, I hate seeing her like this! Masyado niya ng kinawawa ang sarili niya dahil sa pagiging duwag niyang ipaglaban yung feelings niya. Tapos ngayon na may chance na tatakbo naman siya palayo? What the hell Selene! Wag ka ngang martir!" Kita ko ang frustration sa muka niya.

She's right, kasi duwag ako..

Hindi ko siya masisi kung bakit nagagalit siya sa akin ngayon, kasalanan ko rin naman dahil sa mga katangahan ko kaya nag kakaganito ako. Palagi pa silang nadadamay sa tuwing ganito ako. I know she said that kasi ayaw niyang nakikitang ganito ako. They're just worried about me.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon