Chapter 25

3.2K 81 5
                                    

RHIANE

"Ano handa na ba ang lahat?" Tanong ni Hera pag-kapasok sa dressing room at dala ang iba pang gamit para sa performance mamaya.

"Medyo kabado ako" sagot naman ni Kath habang nag aayos sa harap ng salamin.

Halos lahat kami ay nandito at abala sa pag-aayos sa sarili namin.

"Kaya natin to, wag kayong kabahan!" Masayang cheer naman ni Jack para palakasin ang loob ng mga kasama namin.

Hindi naman ako kinakabahan dahil sanay na ako sa mga ganitong ganap. Mas kinakabahan pa ako sa mga tingin ni Miss Selene na sobrang lamig.

Hindi pa pala kami nakakapag usap simula kahapon. Nakita ko rin siya kanina pero mukang busy. Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa.

Dapat galit ako sa kan'ya pero putek bakit miss na miss ko siya? Nababaliw na yata ako.

"Ayus ka lang?" Napalingon ako at nakita ko si Maybs sa likod ko.

"Yup" maikling sagot ko at ngumiti.

"Sigurado ka na aamin ka mamaya sa kan'ya?" tanong n'ya ulit.

"I don't want to keep this with me, gusto ko rin na aware s'ya sa nararamdaman ko." Tumingin lang ako sa kan'ya.

Napakagat pa ako sa ibabang labi ko, to be honest kinakabahan talaga ako. Binanggit ko kay Maybs na after ng program kakausapin ko si Miss Selene.

She's driving me nuts... ni hindi ko makuhang makatulog ng maayos kaka isip sa kan'ya. Kahit na masakit yung mga sinabi niya sa akin parang hindi ko parin makuhang magalit sa kan'ya.

"Ready kaba sa magiging outcomes n'yan?" may halong pagaalala ang boses niya sabay hawak sa braso ko.

"Marunong naman ako tumanggap ng result" sagot ko.

"Ah talaga ba?" Mukang natatawa pa siya habang naka taas ang kilay.

"Heh! Dun kana nga" tinulak ko siya palayo sa'kin.

"Sige na mag ayos ka na rin" tumatawa parin ito hanggang sa pag alis.

Kahit kailan talaga walang seryosong usapan sa mga siraulong to. Bumalik nalang ulit ako sa ginagawa ko kanina para kahit papano maabala ako.

"Kayo na daw ang susunod" nabaling ang atensyon namin sa babaeng sumilip sa pintuan.

Mabilis naman nag sikilos yung mga ka kasama ko. Natawa pa'ko dahil na nga taranta pa sila.

"Kabang kaba ah" Pang aasar ko pa kay Kath na hindi alam kung ano yung kakalkalin sa bag niya.

"Tantanan mo ko" Hindi siya tumingin sa'kin.

"Sus, mag papa cute ka lang kay Miss Karla n'yan eh"

Napatigil siya bigla at napansin ko na namula pa ang muka niya na lalo kong ikinatawa. Sinamaan niya ako ng tingin pero syempre hindi ko pinansin.

"Hoy! Wag mo ko ginagaya sayo na baliw sa prof mo" Sabay irap niya sa akin.

"Atleast honest" Usal ko naman habang inaayos ang buhok ko.

"Ah kaya pala nung una may nalalaman kapang hindi mo siya gusto, tapos ngayon patay na patay ka" Nag make face pa si gaga.

Sasagot pa sana ako pero bumalik ulit yung babae kanina at tinawag na sila para pumunta sa stage.

Hindi ako sumama dahil pang final performance pa naman kami ni Luke. And speaking of him, hindi ko pa pala s'ya nakikita simula nung dumating ako. Medyo nag aalala ako dahil baka magka problema pa sa final performance.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon