Chapter 36

3.2K 81 12
                                    

RHIANE

Kakatapos lang ng klase namin sa umaga at naisipan kong pumunta sa cafeteria. Pinauna ko na kasi kanina yung mga kaibigan ko at sabi ko na susunod nalang ako.

Kinausap ko pa kasi si coach Aya about sa regionals na magaganap din daw dito sa West Hill. Na excite ako nung sabihin ni coach na sa New York magaganap ang nationals.

Parangarap ko kasi dati na makapag perform sa ibang bansa kaya sumama ako last year sa glee club pero sa kasamaang palad umalis din ako. Gusto kong ituloy yun ngayon para man lang may remembrance ako bago maka graduate.

"Mukang good mood ka ngayon ah" naka ngising sabi Rona nang madatnan ko sa table nila.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabi pagkatapos ko ihatid si Miss Selene.

Buset! Hindi ko maiwasan mapangiti kapag pumapasok sa isip ko yung ginawa niya.

"Masaya lang ako para kay Maybs" Binigyan ko sila ng pekeng ngiti.

"Ah talaga ba?" It's Rona na parang tanga na naman na ayaw maniwala sa'kin.

"Ewan ko sa inyo" Sagot ko lang bago umirap.

"Oo na...alam naming inlove ka" banat naman ni Kath at seryosong naka tingin sa phone n'ya.

"At wag n'yong sirain ang umaga ko sa pamumusit ninyo" Seryosong sabi ko bago umupo sa tabi ni Maybs.

"Thank you pala kahapon" nahihiyang sabi ni Maybs.

Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti. "I'm happy for you" sumandal ako sa balikat niya. "Sabihin mo lang sa akin kapag niloko ka n'ya dahil isasako ko siya at itatapon ko dagat."

Natawa naman ang mga ungas kong kaibigan. Basta talaga kalokohan tuwang tuwa ang mga bruha.

"Wag mo takutin baka mag hiwalay bigla" tawa naman ni Rona.

"He's not like that...I know him" sabi ni Maybs at kinuha ang shake na iniinom niya.

Natahimik nalang kaming lahat. Tama naman siya, I think hindi naman gagawa si Justin ng mga bagay na makaka sakit kay Maybs at subukan niya lang dahil ako talaga makakalaban niya.

Kinuha ko nalang ang phone ko at tinignan ang oras. Maaga pa naman para sa afternoon class ko saka mamaya pa yon. Puntahan ko nalang kaya ang laloves ko? Miss ko na rin agad siya.

Mabilis akong tumayo at nag paalam sa mga kaibigan ko, tinanong pa ni Kath kung saan ako pupunta pero sinabi ko na pupunta lang ako sa library. Hindi pa siya kumbinsido sa sagot ko pero hindi ko na pinansin at naglakad palabas ng cafeteria.

Ano kayang ginagawa ni Ma'am? Sabi niya ngayon kami mag uusap kaya goods na rin na puntahan ko siya para pag usapan namin yung about sa kagabi. Ayokong I deny niya na naman sakin lahat at iwasan ako dahil mahirap umasa. Ewan ko nalang talaga kapag nag deny na naman to sakin.

Ngumiti nalang ako at masayang nag lakad na parang bata papunta sa office ni Miss Selene.

Hindi pa man ako nakaka abot sa office ni Miss Selene ay natanaw ko na itong mukang nagmamadali sa pag lakad niya. Napahinto ako nang makita ko siyang huminto sa tapat nang office niya at biglang may lumitaw na lalaki na naka sunod  sa kan'ya.

Napayukom ang kamao ko nang mapag tanto ko na yung manliligaw niyang mukang ewan ang kasama niya.

Ano na namang ginagawa ng ungas na yon dito, don't tell me nanliligaw pa rin sa kan'ya yung Clark na yon. Mukang seryoso ang pinag uusapan nila dahil seryoso lang na nakatingin si Ma'am sa kan'ya.

Hahakbang sana ako pero napa tigil ako nang bigla siyang yakapin ni Clark at hinalikan sa ulo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon