Chapter 31

3.1K 103 3
                                    

RHIANE

Dinala namin si Trina sa hospital ng university dahil malayo kung ilalabas pa namin s'ya. Pagdating naman namin sa hospital ay agad s'yang inasikaso ng mga doctor. Naiwan kami sa labas dahil bawal pumasok.

Hindi ko magawang kumalma kanina kaya kulang nalang awayin ko yung mga doctor sa kabagalan nila.

Naka upo ako ngayon sa waiting chair at hindi mapakali sa pag aalala.

"Rhiane kailangan mo din ma check" lumapit si Kath sa akin.

"Ayus lang ako" sagot ko at naka yuko lang.

Hindi ko maramdaman yung sakit ngayon dahil mas inaalala ko si Trina. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko siya nakikita.

"Tama si Kath, may sugat yang muka mo" Sabi naman ni Rona.

"Wala lang to"

"Rhiane sumunod ka nalang" it's Maybs.

"Makakapag hintay yon" walang gana paring sagot ko.

Alam kong nag aalala rin sila sa akin dahil sa mga sugat sa muka ko.

"Wag ng matigas ang ulo mo please!" Hinatak ako ni Kath at dinala sa isang kwarto.

Hindi na ako naka palag kaya hinayaan ko na siya na hilahin ako.

"Please check her doc, may sugat din s'ya" Sabi niya sa doctor.

"Kami na pong bahala sa kan'ya Miss Kath" sagot naman nung doctor na mukang kilala siya.

Tumango lang si Kath at tumingin muna sandali sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Lumapit sa akin yung isang nurse na kasama ni doc. "Saan po ang masakit sayo Miss Rhiane" naka ngiting tanong nung nurse.

Medyo iba ngiti nito, she's trying to be cute pero di naman eeffect dahil isa lang ang cute sa paningin ko.

Ano ba Rhiane...nagulpi kana nga ang harot parin!

"Yung muka ko lang pero ayus lang naman yung tiyan ko, medyo masakit lang" sagot ko. Tumango lang s'ya bago nilinis ang muka ko.

We owned this hospital kaya kilala na rin kami dito. Madalas rin akong harutin ng mga nurse at doctor dito pero hindi ko pinapansin.

Minsan naririnig ko pa na sinasabi ng iba dito na ako daw ang pinaka masungit na apo sa mga Miranda dahil hindi daw ako marunong mamansin. My ghad! Ang bait bait ko kaya, mas muka pang maldita si Katherine sa'kin.

"Can I ask you?" Tanong nung nurse.

"What?" Ayoko ganong igalaw yung bibig ko kasi masakit.

She chuckled a bit kaya napa kunot ang noo kong tinignan siya.

"Tama nga ang sabi nila, ikaw ang pinaka cold sa mga Miranda" She said.

"Fake news" Sagot ko lang.

"Sa pagsasalita mo ngayon ay parang gusto kong paniwalaan ang sinasabi nila" She said bago inilagay sa labi ko yung ointment na hindi ko alam ang pangalan.

"Ikaw kaya sapakin tapos masakit bibig, sa tingin mo makakapag salita ka ng maayos? "

"Girlfriend mo ba yung sinagip mo? " Hindi niya pinansin yung sinabi ko.

"No, she's my friend."

"She's so lucky kasi niligtas niya ng isang Miranda" She said bago ngumiti.

Hindi parin mawala sa isip ko si Trina. She doesn't deserve this. Hindi ko alam kung anong meron sa pamilya ni Chezka, pero sisiguraduhin ko na mananagot ang mangga na yon sa ginawa n'ya. Hindi ako papayag na ulitin n'ya pa 'yon kaya ngayon pa lang mag dasal na s'ya dahil mabubulok s'ya sa kulungan.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon