Chapter 42

3.1K 87 14
                                    

RHIANE

"Sigurado ka ba na hindi ka na sasabay sa amin?" Nilingon ko si Maybs mula sa labas ng kotse ko.

"Yup, kasunod n'yo lang naman ako or baka maunahan ko pa kayo" Sagot ko sa kan'ya bago isuot ang seatbelt ko.

I decided na gamitin nalang yung  Gordon Murray T.33 na binili ni uncle sa'kin last year dahil gusto ko rin muna dumistansya kay Miss Selene. I can't stay in the same van with her after what happened earlier.

She's hurting me and I need a break.

Akala ko hindi na s'ya sasama pero nakita ko siya sa loob ng van kasama sila Miss Karla, pati na rin yung iba pa naming kaibigan at mga jowa nila. Si Miss Alex naman nauna na kasi isasabay daw ni Ate Rhio.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay dumiretso nalang ako sa bahay para mag ayos ng gamit na dadalhin ko. Hinabol pa ako ni Vince kanina nung nakita n'ya na umiiyak ako, gusto n'yang sumama sakin sa Batangas pero hindi ako pumayag. Ayokong maka dagdag pa s'ya sa problema ko ngayon.

"May problema ba?" Lumapit si Maybs sa bintana ng kotse ko.

"Let's talked about it kapag nasa resort na tayo" Ngumiti ako ng bahagya sa kan'ya. Gusto kong iwasan muna yung mga tanong nila kasi ayoko rin na maging awkward sila kay Miss Selene.

Masakit at hindi ko matanggap yung ginawa ni Miss Selene sa'kin. All this time pinag lalaruan n'ya lang pala ako.

Kung naawa lang pala siya sa'kin sana hinayaan n'ya nalang akong maging miserable kesa pinag muka n'ya 'kong tanga at pinaasa lang lalo.

Gusto kong magalit sa kan'ya pero pinili ko nalang manahimik kasi wala na rin namang kwenta kahit awayin ko pa s'ya. Mahal ko si Selene, kaya kung saan siya masaya, susuportahan ko. Ayoko ng maulit yung nangyari dati. I can't lose her like her sister.

"Hoy! Ano bang problema n'yong mag pinsan? Bakit gusto n'yo mag solo?" Lumapit si Rona sa tabi ni Maybs.

"Tikum mo nga yang bibig mo, napaka  iskandalosa mo talaga, tignan mo naka tingin tuloy sila Ma'am." Saway ni Maybs kay Rona at umaktong kukutusin n'ya.

Napatingin naman ako sa van kung saan naka tayo sa labas ang mga professor. Sila Trina rin pati yung iba nanduon. Hindi pa rin kasi kami umaalis dahil wala pa si Kath. Nag tataka rin ako kung bakit hindi n'ya kasama ngayon si Miss Karla. Akala ko sa kan'ya sasabay pero mukang wala rin sa mood.

"Nasaan na daw ba si Kath?" Tanong ko.

"May dinaana—oh speaking of the idiot" Naputol ang sasabihin ni Rona ng may biglang dumating na maingay na motor.

Lahat kami ay napunta ang atensyon sa babaeng naka motor na Yamaha YZF-R3 . She's absolutely rocking it with those gray leggings, black hoodie, and white sneakers.

Gosh! Ang sexy ng entrance ni gaga.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon