Chapter 34

2.9K 84 11
                                    

RHIANE

"Rhiane please pag bigyan mo na 'ko" walang hinto n'yang pag mamakaawa sa akin habang nag lalakad kami sa hallway.

Konti nalang mauubusan na ako ng pasensya sa taong to dahil kanina pa niya ako kinukulit.

"Babayaran kita kahit magkano basta tulungan mo lang ako" napahinto ako sa sinabi n'ya at hinarap siya na nang matatalim kong mata.

"I don't need your money...baka bilhan pa kita ng sariling banda para tantanan mo lang ko" walang ka gana ganang sabi ko sa kan'ya.

"Rhiane please...ikaw lang ang naisip kong paraan para haranahin s'ya dahil kaibigan ka din niya."

"Maraming member ang glee club Justin"     seryosong sabi ko sabay irap sa kan'ya.

"Pero kasi...mas maganda ang boses mo" naka yukong sagot nito.

Pinipilit niya kasi akong samahan siya na haranahin si Maybs. Aware naman akong nanliligaw s'ya sa kaibigan ko pero kasi wala talaga kong gana mangharana. Bad trip paring ako sa laloves ko dahil sa pag sampal niya sakin nung isang araw.Hindi parin kasi kami nag papansinan simula nung umuwi kami.

"Oh napano yan at mukang tangang naka yuko jan?" Tanong ni Rona na biglang lumitaw sa likod ko.

"Nag papatulong haranahin si Maybs" sagot ko naman.

"Bakit hindi nalang ikaw mangharana?" tanong ulit ni Rona.

"Pano gwapo lang pero parang kambing yung boses" biglang kumento ni Kath na kakarating lang.

Hindi ko napigilang matawa sa sinabi niya. Napaka walang filter talaga ng bibig  nang babaeng to. May point rin naman siya pogi talaga tong ungas na to pero parang inipit yung boses.

"Tulungan mo na kawawa naman" natatawang sabi ni Kath.

Tumingin muna ko sa kan'ya bago ako napa buntong hininga. "Fine, but in one condition"

Biglang nagliwanag ang muka n'ya at ngumiti ito ng napaka laki. "Name it! Ako na bahala"

"Hanapan mo ako ng VIP ticket ng concert ni Ariana Grande" naka ngisi kong sabi.

"What? Seryoso ka don?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rona.

"Oo seryoso yan dahil hindi naka bili ng limited ticket ng concert ni Ariana" sagot ni Kath at tumawa pa ng bahagya na s'yang kina sama ng tingin ko sa kan'ya.

Naiinis ako kasi inutusan ko na siya na bilan ako ng ticket nang concert ni Ariana at Taylor pero ni isa walang nabili dahil limited daw. Gusto ko mag dabog sa inis...ang tagal ko na kasing hindi nakaka attend ng concert nila. Sila talaga ang favorite artist ko since high school, halos lahat ata ng merch nila meron ako kaso tinigil ko lang simula nung nawalan ako ng gana sa music.

"San ko hahanapin yon? Pano kung sa ibang bansa lang meron?" Tanong ni Justin na parang naguguluhan sa buhay n'ya.

"Well..it's not my problem anymore." Sagot ko.

"Fine. Take this guitar, mamaya sa cafeteria hintayin kita" Sabi niya at inabot ang gitara sa akin bago umalis.

"Sana all handang mag hanap ng ticket para lang matulungan siyang mang harana" naka labing sabi ni Rona.

"Tara na late na tayo" hinila na ako ni Kath at iniwan si Rona.

Nagpunta na kami sa klase namin at inabutan namin na sakto lang din ang dating ni Miss Selene. Sandaling tinignan niya ako bago napunta ang tingin sa dala kong gitara. Iniwasan ko lang ito ng tingin at dumiretso na sa pwesto ko.

Hindi pwedeng marupok muna dapat may kiss muna bago ko siya pansinin ulit.

Buong oras ng klase niya ay nakinig lang ako habang pinapantasya siya. Minsan tinatawag n'ya ko para sumagot at buti nalang ay alam ko ang isasagot kahit sa kan'ya lang ako naka focus.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon