Chapter 41

4K 104 44
                                    

RHIANE

"Oh ayan! Baka nag kulang ka lang sa milktea na totoo dahil ibang flavor yung dinadali mo this past few days." Parang wala ako sa sarili na naka tingin sa milktea na nilagay ni Kath sa harapan ko.

"Dapat nga mas gumana pa utak niya dahil mas masustansya si Miss Sel--Araaaay!"

"Shut your mouth Rona!" Saway ni Maybs kay Rona matapos n'yang sapituhin.

"Ughhh! Pwede ba? Hindi nakakatulong yang mga sinasabi n'yo." Inis kong tiningnan ang mga kaibigan ko.

Gusto ko nalang magpalamon sa lupa matapos kong malaman na baksak ako sa subject ng girlfriend ko. Yes, binagsak ako ni Selene. Hindi daw katanggap tanggap yung score ko sabi niya. Ano yon lowkey way of saying na bobo ako?

Nag review naman ako pero hindi ko alam kung paano ako bumaksak, alam ko rin na tama yung mga sagot ko. Paano nangyari 'yon? Ohmygosh! Parang gusto ko magkakasat dito sa inuupuan ko.

Hindi ako sure kung yung sagot ko ba talaga yung problema kaya bumagsak ako or dahil hindi ko lang s'ya pinagbigyan kagabi?

Grabe naman gumanti ang mahal ko! Gusto ko lang naman mag pahinga kagabi dahil inaraw araw n'ya na ko jusko! Kawawa naman yung cutie fingers ko, halos di ko na nga ma diretso.

Alam ko galit siya sa'kin dahil nauna s'yang umalis kanina, iniwanan niya lang ako ng breakfast dahil may dadaanan pa raw s'ya. Tapos kanina namang nag ka klase ay seryoso lang s'ya, di niya rin ako pinapansin, ang nakaka irita pa ay pinagalitan na naman niya ako.

Batman help! Ginawa ko lang naman 'yon para maka rest yung kamay ko.

"Ayus lang yan, hindi ka naman matitiis ni Ma'am" Sabi Maybs habang hinahaplos ang likod ko.

"Baka kulang lang sa.... "

"Rona ano ba! Ipapakain ko sayo tong straw kapag hindi ka pa tumigil" Halos maubos na pasensya ni Maybs kakasaway.

"Pagkain kase!...hindi pa naman kasi tapos." Reklamo ni Rona. "Bilan mo kasi ng pagkain si Ma'am para matuwa sayo." Dagdag niya pa at tumingin sa'kin.

Pagkain? Eh gusto n'ya nga s'ya yung kinakain. Gosh sumasakit ulo ko!

Kinuha ko yung milktea sa harap ko para inumin. Ilang araw na rin ako hindi nakaka inom nito. Tama si Kath, natural na kagat kasi yung cravings ko lately. Yung galing sa girlfriend ko.

Hayyy....buti pa yung milktea kahit malamig matamis parin, samantalang yung bebe ko pag nanlamig sagad hanggang buto yung pait.

"Sasakalin ako ni uncle kapag nalaman n'ya na bagsak ako" I looked at them na parang wala ng pag-asa.

"Buti alam mo" It's Kath na tumawa pa.

"Mamaya na yung alis natin diba?" Tanong Rona habang naka tingin kay Kath.

"Yes"

"Huh? Akala ko ba bukas pa?" Tanong ko naman.

"Wala naman na tayong gagawin today, since tapos na rin yung exam naisip ko na mag byahe na tayo mamaya para sulit yung haba ng bakasyon. Naka usap ko na rin si dad tungkol dito at pumayag naman s'ya" Paliwanag ni Kath.

Ang akala ko kasi ay bukas pa talaga ang alis namin papuntang Batanggas para I celebrate daw ang birthday ko. Sa Martes pa naman yun pero naisip lang din kasi nila na mag stay sa Batangas buong linggo dahil may one week break kami.

For me, hindi ko alam kung kaya ko mag stay ng matagal, kasi need ko rin mag practice kasama sila Trina. Maybe mga after ng birthday ko dun ako babalik ng Manila.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon