Chapter 52

3.5K 93 36
                                    

SELENE

FIVE YEARS LATER

"I love you Selene...."

Nagising ako na may luha sa mga mata, nang paulit-ulit kong marinig ang boses ng isang tao mula sa panaginip ko.

Limang taon na pero hanggang ngayon ay minumulto parin ako ng mga alala mo. Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na bigla ka nalang nawala.

I miss you so much.

Kailan mo ba balak mag pakita?

Why do you keep on running away from me, Rhiane?

Eto na naman yung mga luha ko na hindi napapagod sa pag uunahan sa pag patak. Walang araw na hindi ako umiiyak simula nung umalis ka Rhiane.

Hindi ko alam kung saan at paano mag sisimula ulit dahil siya lang ang dahilan ko kung bakit ako nag papatuloy nuon. Siya lang ang lahat sa'kin.

I wanna see her face again.

Hindi ko man lang naisip na yung huling gabi na magkasama kami ay ang huling pagkakataon na rin pala na makikita ko siya.

That wonderful night is a farewell.

Yung araw na nagising ako na wala siya sa tabi ko ay ang araw rin na umalis siya ng bansa. Hinanap ko siya kung saan saan para sundan pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nasaan siya.

I tried asking her friends, but they also don't know where she went. Wala raw siyang pinagsabihan sa mga kaibigan niya dahil hindi rin siya nag paalam. Isang tao lang ang may alam at walang iba kun'di ang pinsan niya. Sinubukan ko ring mag maka-awa kay Katherine pero ayaw niya talagang sabihin kung nasaan si Rhiane.

She said that Rhiane left to pursue her dreams and forget about everything that happened, especially her painful past.

She even told me to let her cousin move on because she doesn't deserve what happened to her.She wants to heal and start a new life.

Sobrang sakit para sa'kin ng mga dahilan niya, she wants to forget everything about us.

Sana nga ganun lang kadali lahat.

"Mommy!!"

I look towards the open door, and there, I saw two children running towards me with pure excitement on their faces. I couldn't help but smile brightly as I quickly wiped away my tears and wrapped my arms around them tightly.

Ang tanging dahilan ng pag ngiti ko at kung bakit ako nag papatuloy pa sa araw araw.

My little moons.

Parehas ko silang binuhat na may ngiti sa labi   para paupuin sa kandungan ko.

"Where are you guys going?" I asked my two years old twin before giving them a gentle kiss on their cheeks.

"Momma...you cried?" My handsome little moon asked me while holding my face.

"No Lucas, mommy is not crying" I smiled at him.

My first born baby Lucas Ganymede. Makulit siya gaya ng ibang bata pero sobrang lambing. Kulay brown ang mga mata niya like someone I know.

"Why do you have tear momma?" I turned my gazed to my princess who's gracefully sitting on my other thigh.

"It's a tears of joy my Luna, masaya si mommy kasi nandito kayo." I said.

It's my daughter, she's Lucas twin sister. Luna Gabriella, my carbon copy. She looks exactly like me nung bata pa ako. Her eyes are gray like mine. Sinasabi rin nila na parang kuha niya ang ugali ko kasi palagi siyang seryoso. Kabaligtaran ng ugali ni Lucas na kahit sinong makita niya ay niyayakap niya.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon