Chapter 49

3.3K 85 5
                                    

RHIANE

Today is the final day of our vacation here at Casa Miranda. We made the most out of our vacation and tomorrow we will be heading back to Manila.

I'm currently outside the hotel with Kath and Ate Rhio, while Selene is with Miss Alex in their room.

Balak ko kasing umalis ngayon dahil gusto raw akong maka usap ni dad. He's here, sinabi sa'kin ni ate Rhio na kakarating n'ya lang kanina dito sa Batanggas.

Nag aalala ako dahil baka may kung ano na naman siyang pinaplano. Nag pa set siya ng dinner tonight, gusto ko rin siyang kausapin tungkol sa pambabanta niya kay Selene kaya pumayag na rin ako.

"Are you sure na kakalabanin mo talaga si uncle Marcus?" It's Ate Rhio.

Tumingin ako sa kanilang dalawa ni Kath na parehas na tingin rin sa'kin.

"Ayoko na kontrolin n'ya na naman ulit ang buhay ko, mahal ko si Selene kaya kahit anong mangyari ay hindi na ako papayag na si dad ang mag desisyon ng buhay ko."

"That's right, sobra na si uncle. May karapatan kang mag desisyon sa buhay mo." Kumento ni Kath.

"Yup." Tumango lang ako.

"Don't worry, we got your back, kaya kahit anong maging desisyon mo, susuportahan ka namin." Sabi ni Ate Rhio bago ako bakbakan.

"Thank you Ate" I smiled.

"Sige na, umalis kana at baka kanina pa nag hihintay si uncle. Balitaan mo nalang kami" Paalala ni Kath sa'kin.

"Alright" Niyakap mo muna silang dalawa bago ako sumakay sa kotse ko at nag maneho papunta sa restaurant na sinabi ni dad.

Pagkarating ko sa restaurant ay tinanong ko agad yung waiter kung saan yung table na pina reserved ni dad. Itinuro niya naman sa'kin, nakita ko si dad na seryosong naka upo na sa table habang nag hihintay.

"Akala ko hindi kana darating" He said with his serious tone.

"What do want to talk about dad" I asked bago seryosong umupo sa tapat niya.

"It's about your marriage. You need to get married as soon as possible dahil malaki ang maitutulong ng pamilya ni Vince sa Moon Empire." He started directly.

Hindi pa man ay nakakaramdam na ako ng pangungulo ng dugo. As expected, kapakanan na naman ng kumpanya ang iniisip niya. Sinubukan kong maging kalmado dahil gusto ko siyang bigyan ng kahihiyan sa mga tao dito.

"We already talked about that nonsense marriage dad, hindi ako mag papakasal kay Vince." I said.

Para kaming yelo na parehas malamig sa isa't isa, hindi makakailang mag ama talaga kami kahit na saksakan ng sama ang ugali niya.

"Hindi mo na matatakbuhan ang kasal mo kay Vince dahil ikaw nalang ang kulang."

"I have a girlfriend and I think you're already aware about that." Seryosong sabi ko.

Wala akong balak itago yung tungkol sa amin ni Selene at alam ko naman na malalaman niya rin.

"She's not good for you, hindi mo pa kilala ang babaeng 'yon. Marami s'yang tinatago sayo at alam kong ikasisira n'yo lahat ng iyon kapag nalaman mo ang totoo." He said.

Ang totoo? Napaisip ako bigla kung ano ang sinasabi ni dad na sikreto ni Selene. Anong sikreto ang tinatago niya?

"Hindi mo siya kilala dad kaya wag mo siyang husgahan. At para malaman mo, she's good for me dahil siya lang ang taong umintindi at nag pasaya ulit sa'kin nung mga panahon na dapat ikaw ang gumawa bilang tatay ko." May diin kong sabi.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon