Chapter 14

3.7K 108 22
                                    

RHIANE

"Bakit mukang stress ang beshy ko?" mapamusit na tanong ni Kath.

"Tigil tigilan mo nga 'ko" I rolled my eyes.

"Sus, selos lang yan dun sa nag hatid kay Miss Selene kanina" dagdag naman ni Rona.

"Bakit naman ako mag seselos?" I raised my brows at her.

"At bakit mo naman sinipa ang trash bin kanina?" Panggagaya ni Kath.

"Kasi Inlove ang beshy ko"

I suddenly glared at Maybs, naalala ko na naman na sinabi niya sa dalawa ang tungkol sa amin ni Miss Selene.

"Hindi ko s'ya gusto" tumayo ako mula sa sofa at nag punta sa kusina ko para kumuha ng alak at pag kain sa fridge.

Sumama kasi sa akin 'tong tatlong ungas na 'to dahil wala kaming pasok this afternoon.

Ayoko sana pumayag kaso nauna pa sila sa'kin dito sa bahay, grabe talaga ang kapal ng nga muka.

"You can't fool us Rhiane, masyado kang halata" rinig kong sabi ni Rona mula sa living room.

Nakita ko kasi yung lalaking kasama ni Miss Selene last time sa Bistro Remedios. Hinatid siya sa university kanina, mukang masaya pa yung lalaki dahil nakipag beso pa si Ma'am sa kan'ya.

Tsk, burahin ko kaya muka n'ya?

Hindi ko maiwasang mainis pagkatapos kong makita yon. Alam ko na nanliligaw sa kan'ya yung lalaking 'yon kaya normal lang naman, pero naiinis talaga ako.

Hindi ko rin kinibo si Miss Selene sa klase niya, tanging kinakausap ko lang kapag tinatawag niya ako para pasagutin.

Iniwasan ko muna siya dahil baka may masabi na naman ako na ikagalit niya. Alam ko na wala naman akong karapatang mag selos pero pagkatapos niyang sabihin sa akin na gusto niya ako ay hindi ko talaga maiwasang mainis kapag may ibang kumakausap o humaharot sa kan'ya.

Urggghhh!

"For fvck sake! Stop talking about her" inis kong sabi bago bumalik sa sofa at inilagay sa table ang pagkain at beer na dala ko.

"In denial gay" Kath chuckled.

"Gusto ka naman niya ah? bakit hindi ka pa umamin?"

"Ano namang aaminin ko?" Kunot noo kong tanong.

"Na nahuhulog kana sa kan'ya?" Rona said wiggling her eyebrows.

" I'm not" I said avoiding their eyes.

"Bakit ayaw mo tumingin sa amin? " Mapang asar na tanong ni Kath.

"Eyes on us Rhiane Heart" I heard Maybs.

"Ughh!..." Hinablot ko ang beer na iniinom ko at padabog umakyat sa taas, iniwan silang nagtatawanan sa living room.

Alam nila kung gaano ako ka pikon lalo na kapag pinagtutulungan nila ako.

Those idiots!

I don't even know why I keep denying that I like her pero naiinis naman ako kapag may nagkaka gusto sa kan'ya.

The heck Rhiane.

"Rhiane!..."

Napa bangon ako mula sa aking higaan ng marinig ko ang malakas na katok sa pintuan. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina pag-akyat ko.

Ikaw ba naman tumira ng red horse.

"Ano?" Kunot noo kong sinalubong si Maybs pag bukas ng pinto.

"My god Rhiane, akala namin napano kana" bakas sa muka nilang tatlo ang pag aalala.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon