Chapter 57

3.4K 90 35
                                    

RHIANE

Going home from work has been tiring. I'm used to it pero minsan parang gusto ko nalang muna mag pahinga para mawala yung stress ko kahit papano. Masyado akong naging busy sa pag-tatrabaho nitong mga nakaraan kaya nawalan na rin ako ng oras mag pahinga.

Naghahabol kasi ako ng mga projects na last month pa pinapagawa ni dad, tapos marami rin mga bagong gustong ipagawa si dad kaya sumasakit na yung ulo ko kaka-isip.

Minsan parang gusto ko nalang maging hotdog sa ref.

Pagkatapos kong magtrabaho mag hapon ay dumiretso ako sa bar nila Allen kasama ang nga kaibigan ko.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung huling pagtatalo namin ni Selene. Simula nuon ay iniwasan ko na siya at hindi muna nagpakita. That's the only way para hindi na kami magkasakitan kasi baka hindi ko rin mapigil yung sarili ko at magkasala pa kami.

Ayoko narin masaktan.

Sinubukan kong maging normal sa harapan niya pero at wag siyang awayin dahil pinakiusapan ako ni Katherine, pero kahit anong gawin ko hindi ko mapigilang masaktan sa tuwing nakikita ko siya. Yung mga anak niya na nag papa alala sa'kin na mas pinili niya si Clark.

Pagod na'ko, ayoko ng umasa at mag paka tanga sa kan'ya. Gusto ko ng mag simula ulit kaya itutuloy ko yung proposal kay Trina.

Naka-uwi na rin siya ng Pilipinas nung isang araw pa, binisita niya muna yung mga kaibigan niya kaya hindi ko siya kasama ngayon pero ngayong gabi ko binabalak na mag propose sa kan'ya sa bar nila Allen. Naka usap ko na rin ang mga kaibigan ko tungkol rito, tinatanong pa nila kung sigurado na ba ako. Sinabi ko naman na sigurado ako sa desisyon ko. I want to marry her. Gusto ko ng maging seryoso sa kung anong meron kami ngayon, mahal ako ni Trina kaya ayoko nang saktan siya ng paulit-ulit.

Tinanggap ko na rin na wala na talaga kami ni Selene at hanggang duon nalang 'yon, tapos na kami at mag sisimula na ako ng bagong buhay kasama si Trina.

"Sure kana talaga?" Tanong ni Maybs sa'kin na naka tayo sa tabi ko.

Tumango ako at tumingin sa kan'ya. "I'm sure, siya ang babaeng nakalaan sa'kin" I smiled.

"Walang bang pipigil rito?" Si Rona naman na tumingin-tingin sa paligid ng bar.

"Hoy abnormal hindi kasal 'to" Kumento naman ni Kath sabay tulak pa sa braso ni Rona.

"Mag pakita naman kayo ng support jusko, parang ayaw n'yo pa yata kay Trina" Singit ni Hera.

Nasa bar kasi kami ngayon, hinihintay lang namin si Trina kasi kasama niya sila Allen at Luke.

"Support kami kung saan masaya 'tong lutang na 'to" Sagot ni Rona.

"Yup, it's time para maging masaya naman na si Rhiane sa buhay niya." Dagdag ni Maybs.

"Sabagay sila nalang pala ni Kath yung walang anak sa'tin" Sabi ni Hera na naging dahilan para maibuga ni Kath yung iniinom niya kay Rona.

"Oh gosh Katherine!"

"S-sorry...abnormal kasi 'tong si Hera kung ano ano pinag sasasabi." Agad pinunasan ni Kath yung muka ni Rona.

"Hindi parin kayo nag bago, mga abnormal parin kayo" I shook my head as I looked at them.

"Pare-pareho lang tayo" Sagot naman ni Maybs na kina tawa namin.

I'm still glad na sa kabila ng lahat nandito parin yung mga kaibigan ko, buo parin kami kahit may mga pamilya na yung iba sa amin. Umaasa rin ako na sa future ganun rin ang mga anak namin.

"Rhiane go na....pumunta kana sa stage, nandito na raw si Trina." Agad naman akong napatayo at inayos ang sarili.

Kinakabahan ako kaya inilagay ko yung kamay ko sa bulsa at habang hawak ang maliit na box.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon