Chapter 32

3.2K 95 10
                                    

RHIANE

Pinoproseso parin ng utak ko kung bakit bigla nalang nandito si Miss Selene. Ang alam ko next week pa raw ang balik n'ya from Thailand.

"What happened?" Bumitaw ito sa'kin at tumingin sa muka ko.

Naka tingin lang ako sa kan'ya at pakurap kurap lang. Teka hindi ako makapag salita... mukang kakagaling n'ya lang sa airport dahil nakapang business attire pa s'ya.

"Miranda!" She glared at me dahil hindi ako sumasagot.

"B-bakit?"

"I'm asking you stupid! Anong nangyari sa muka mo?" Inis na tanong nito bago hawakan ang muka ko.

Hindi ko alam kung nag aalala ba talaga siya sa'kin oh inaaway n'ya ko. Pabago bago yung mood niya goshhhhh!

"A-ano kase..." parang may kiti kiti sa katawan ko dahil sa paghaplos n'ya sa muka ko.

Get a grip Rhiane!

"Masakit ba?" She softly asked at patuloy parin sa pag hawak sa muka ko.

Ma'am wag kang ganyan please...

Napakagat ako sa labi ko bago siya hilahin para yakapin. "Hindi na kasi nandito kana" I mumbled while hugging her tight.

Damn! I miss her so much.

"M-Miranda... bitaw nga" bahagyang tinapik n'ya ang balikat ko at sinusubukang kumawala.

"Ayoko...na miss kita" Hindi ko siya binitawan.

Parang nawala yung sakit ng katawan ko dahil sa yakap n'ya. Pain reliever yarn?

"Araaayyy!" Napahiwalay ako sa kan'ya nang kurutin ako nito sa tagiliran.

"I think you're okay" lumayo ito sakin at napa halukipkip.

"Akala ko pa naman nag alala ka sakin tapos sinasaktan mo lang ako" nag drama kunwari ako at naglakad papunta sa living room.

Sumunod naman siya sa akin at umupo sa coach.

"I was..pero mukang ayus ka naman" seryosong sabi nito at inirapan ako.

Apaka attitude talaga. Pumunta dito tapos tatarayan lang pala ako.

"Anong ginagawa mo dito Ma'am? Late na at akala ko ba nasa Thailand ka?" Tanong ko at umupo sa kabilang side.

"Gusto ko umuwi bakit ba? At akala ko kasi kung ano nang nangyari sayo dahil tumawag si Alex sakin"

Para naman akong tanga na napangiti sa sinabi niya. Nag alala siya sakin? Aba Rhiane ene be pereng shera.

"Why are you smiling?" Tumaas ang kilay nito. "You look stupid"

"Kasi nag alala ka sa'kin" naka ngiting sabi ko sa kan'ya at nag iwas naman ito ng tingin sa akin. Napansin ko rin na parang namula ang pisngi niya kaya lalo akong napangiti.

"Stop assuming... I'm just worried as your professor" Sabi n'ya at hindi parin maka tingin sa akin.

Sus kunwari pa eh halata naman nag alala siya sakin. Payakap yakap pa kanina tapos sasabihin worried as professor daw.

Sige deny lang laloves.

"Edi hindi" I rolled my eyes at sumandal sa couch.

"What happened to Miss Montero?" Tanong n'ya naman.

I sighed..naalala ko nanaman si Trina. "She's okay now, ginulpi s'ya ni Chezka..yung matagal ng nanliligaw sa kan'ya." Sagot ko.

"She likes her tapos binugbog n'ya?" Napakunot noo si Ma'am. "Ang weird naman"

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon