Chapter 35

3.2K 91 5
                                    

RHIANE

Masasabi ko naman na successful ang araw na ito dahil naging mag jowa si Maybs at Justin sa tulong ng maganda kong boses.

Masaya ako para sa kan'ya dahil deserve din naman ng kaibigan ko ang magka jowa dahil masyadong dukdok sa pag aaral, aba harot din pag may time.

Speaking of harot... yung bebe loves ko ayaw na naman mag paharot sa'kin dahil iniwasan na naman ako kanina pag-katapos kong mang harana. Nakaka inis kasi yung mga nag sigaw ng pangalan ko na jowain ko raw sila...ayun ending mainit na naman ulo ni Ma'am.

"Someone seems happy huh?"

"Waahhhh!" Muntik nang malaglag ang puso ko nang magsalita ang babaeng lumitaw sa gilid ng kotse ko.

"The heck is wrong with you Miranda?" Kunot noong tanong nito. Tignan mo to, s'ya na yung nanggulat siya yung ang galit.

"Bakit ba kasi para kang kabute Miss" nakahawak parin ako sa dibdib ko.

"So... that's the reason why you have that guitar earlier" nakatingin s'ya sa dala kong gitara.

"Ginawa ko lang rin yon dahil sa deal" binuksan ko ang pinto ng kotse ko para ilagay ang gitara sa loob.

"What deal?" Tanong nito at sumandal sa kotse ko.

"VIP ticket sa concert ni Ariana" I answered.

Bahagyang natawa ito at umiling habang naka tingin sa akin. May nakaka tawa ba?

"What?" Taas kilay kong tanong dahil wala namang nakaka tawa.

"Nothing you look like a fan girl"

"'Cause I really am"

"Yeah as I expected...a fan girl of every woman" she rolled her eyes.

"Oh bakit gan'yan ka na naman?" Umaatake na naman yung sakit n'yang kamalditahan.

"Nothing"

Sabi na nga ba eh, palagi nalang talaga akong pinag bibintangan ng babaeng to, eh siya lang naman yung babae ko.

"Don't tell me...pati si Ariana Grande pinagseselosan mo?" Medyo natawa ako dahil bigla itong sumimangot.

"And why would I?"

"Edi hinde" tumalikod ako sa kan'ya para buksan ang pinto ng kotse. "Napaka Indenial talaga" dagdag bulong ko pa.

"Uuwi kana?" Napahinto ako at nilingon siya.

"Oo, Tara na uuwi na tayo" nakangiting sabi ko sa kan'ya bago sumakay.

"Who told you that?"

"Sasakay ka ba o hinde? Isasabay ko nalang si Miss Aya kung ayaw mo" nakita ko si Miss Aya na naglalakad papuntang parking lot.

Tumingin naman agad siya sa direksyon kung saan naglalakad si Miss Aya. Nakita ko pa na umigting ang panga niya at lalong sumimangot.

"Ughhh..Fine!" Mabilis na sumakay ito at padabog sinara ang pinto.

Ngumiti lang ako dahil alam ko naman na nanalo ako this time. Naka sibangot lang siya habang nakatanaw sa bintana.

Hindi pala nag seselos ah, Ang galing mo talagang mag panggap Villafuentes.

"Do you mind me playing a song?" Tanong ko habang nasa byahe kami. Masyado kasi siyang tahimik kaya ako yung naiinip.

"Do whatever you want" bored na sagot nito.

Bakit ba kasi napaka sungit nito pag dating sa akin? Pag naman kausap niya yung mga kaibigan ko parang close na close sila. Napaka unfair talaga! Nakaka inis!

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon