Chapter 26

3K 97 8
                                    

RHIANE

"Congratulations Rhiane, hindi ko akalain na napaka ganda pala ng boses mo."

"Salamat po tito Archie" walang gana kong sagot.

We are currently at a restaurant near the university. Dad asked us to celebrate with Vince's family. Ayaw ko sanang sumama pero si uncle na mismo ang naki-usap sa akin. He's also with us tonight and Kath.

Wala parin akong gana dahil iniisip ko parin si Miss Selene. Hinanap ko kasi siya kanina pero wala na s'ya, palagay ko ay umuwi na dahil hindi ko na rin siya inabutan.

Galit na galit ako kay dad ngayon dahil sa ginawa niya. Sinasabi ko na nga ba na may pinaplano na naman siya. Sinadya n'yang sa mismong program ito sabihin para malaman na ng lahat.

Paano ko 'to ipapaliwanag kay Miss Selene?

"Bakit hindi mo sinabi sakin ang plano mo dad?" Tinapunan ko s'ya ng malamig na tingin.

"It's a surprise Rhiane" naka-ngiting sagot ni Vince.

"I'm not talking to you" I glared at him.

"Rhiane stop, not now" my dad warned me.

" Really? Pero kanina hindi mo man lang ako pinansin nung pinipigilan kita?" I gave him a fake laugh.

Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko, it's Kath na naka upo sa tabi ko.

"Wag mo kong bastusin sa harap nang maraming tao" he's giving me a warning look.

"I'm tired dad, sawang-sawa na ako kung pano mo'ko tratuhin. Bakit ba hindi mo nalang tanggapin sa sarili mo na babae ang gusto ko?" Wala akong pakialam kahit naririnig kami ng mga tao sa paligid.

"Rhiane stop, ano b--" sinalubong ng palad ko ang pisngi ni Vince.

"Isa kapa! Kailan mo ba maiintindihan na hindi kita mahal!" I shouted at him.

"Rhiane" inawat ako ni Kath.

Nagulat ang lahat sa ginawa ko at napunta ang atensyon ng mga tao sa amin.

I usually try to take a step back and take deep breaths to calm down kapag alam kong maraming tao sa paligid namin, pero iba yung nararamdaman ko ngayon. Feeling ko pinagkaisahan nila ko.

"Wala ka ng ginawa kung hindi kahihiyan sa pamilyang to!" My dad suddenly slammed the table.

"W-why? did you ever see me as your daughter?" I can't stop my tears from falling. "S-Sa tingin mo ba ginusto ko maging parte ng pamilyang to?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang panginginig nito.

"Napaka bastos mo talaga! Manang mana ka sa nanay mo!" He almost slapped me but my uncle stopped him.

"Marcus enough!" He's holding my dad's hand na parang nag titimpi.

"No! Sumosobra na ang batang yan" galit na galit niyang sabi.

"Na ano?! Palagi ka namang ganyan! Ginawa ko naman lahat just to make you proud pero hanggang ngayon ano? Kahihiyan parin ako sa pamilyang to! Do you want some truth about this family? Nakaka-sakal kayo..halos lahat ng bagay na gusto ko never ko nakuha. Pag nagka problema ako agad yung may kasalanan diba? Habang ikaw nasan ka? Nasa bago mong pamilya diba? You know what dad, napaka makasarili mo!" Halos mag-wala ako sa galit.

"R-Rhiane" Hinawakan ako ni Kath sa braso.

"I f*cking hate this life! " Tumayo ako at tumakbo palabas ng restaurant.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na maiyak dahil sa sama ng loob. Gusto ko nang umalis kaya pumunta ako sa parking lot para kunin ang kotse ko.

Habang nag lalakad ako ay nakita ko ang isang babae na naka tayo sa harap ng sasakyan ko.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon