Chapter 20

3.4K 107 8
                                    

RHIANE

Halos gusto kong ibato ang dala dala kong lunch bag sa sobrang inis ko. Natapon kasi ang laman nito kaninang naglalakad ako.

Binangga kasi ako ng siraulong varsity player na nakasalubong ko kanina sa may parking area. I think bago lang s'ya dito dahil ngayon ko lang siya nakita sa university. Sinubukan ko nalang kontrolin ang galit ko, napaka aga para masira ang araw ko.

Pero sinira n'ya na..

Naisip ko kasi mag luto ng lunch para sabay kami ni Miss Selene kumain mamaya, kaso nabulilyaso pa.

After kasi namin maka uwi nung isang araw galing Hacienda ay naging busy siya kaya hindi ko pa siya nakikita.

"Oh bakit mukang bugnot ang beshy ko?" Tanong ni Rona ng masalubong niya ako sa hallway.

"Oh ayan itapon mo" iniabot ko sa kan'ya ang lunch bag, kinuha niya ito at tinignan ang laman.

"Ano ko aso? Bakit nagka ganito to?".

"Yung ungas na lalaking nakasalubong ko nasagi ako, kaya ayan" Hindi ko maiwasang mainis parin dahil halos ilang oras ko pinaghandaan yung dala ko.

"Ako na bahala dito, ibabalik ko nalang yung bag sayo mamaya" aniya bago ito maglakad.

"Teka seryoso ka ba? Kakainin mo yan?" Halos di makapaniwala kong tanong dahil alam ko na nag mix na lahat yon sa loob ng bag.

"Duh Rhiane, Ibibigay ko dun sa pusang inaalagaan ni Maybs dito" inirapan lang ako nito bago tuluyang umalis.

Natawa ako dahil akala ko kakainin n'ya pa yon, meron nga palang alagang pusa si Maybs dito sa university. May dorm din kasi siya dito kaya nung napulot niya yung pusa ay inampon n'ya na. Sobrang hilig nila sa pusa dahil cute daw ito.

Gustuhin ko man mag alaga ng pusa ay hindi pwede sakin dahil nag ka asthma ako nung bata pa ako, kaya halos wala kaming alagang hayop sa bahay.

Naglakad ako papunta sa glee club dahil naalala ko na pinapatawag ako ni coach Aya today. I think she wants me to join glee club again dahil last year ko na dito. Ayus lang naman sakin dahil masaya naman sa club na yon, pwera lang sa isang bida bida na member.

"Rhiane, finally you're here na" it's couch Aya. Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa loob ng room.

"Bakit n'yo po pala ako pinatawag?" tanong ko bago umupo sa bakanteng silya.

"I want you to join glee club again" umupo ito sa tabi ko. "Celeste is no longer part of the club" napabubtong hiniga pa siya na parang na lungkot.

"Huh? Bakit naman po?" gulat na tanong ko dahil ang babaeng tinutukoy niya ay ang tinutukoy ko na bida bida.

Celeste is one of the member here in glee club, maraming naiinis sa kan'ya dahil gusto niya siya palagi ang bida. Even me, kuhang kuha niya ang inis ko kaya last year ay umalis din ako ng club.

"She wants to do the solo performance for regional performance, pero hindi ko ito binigay dahil walang gustong sumangayon sa kan'ya kaya naman umalis siya sa club." Dismayadong paliwanag nito sa akin.

"Ganun po ba" tumingin lang ako sa kan'ya.

"Please Rhiane I need you there, join the club again" desperadong sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Pero hindi pa po tapos ang program na magaganap na next week" naalala ko na malapit na nga pala ang musical theatre kaya medyo busy na rin ako the following days.

"It's okay, just practice with us after ng program. Mahaba pa naman ang preparation for regionals at baka second sem na kayo mag perform." She said.

Hindi ko alam kung sasama ba ako or hindi. Paano ko pag sasabay sabayin lahat ng yon? Pano pa yung mga plates ko? I mentally facepalm myself dahil parang iniisip ko palang ay di ko na kaya.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon