Chapter 33

3K 91 16
                                    

RHIANE

"Ma'am akala po namin next week pa uwi mo?" Tanong ni Rona na ubod ng daldal kay Miss Selene

Kanina pa ko naririndi sa kakatanong n'ya. Simula nung dumating kami kasabay sila Miss Alex at Karla ay hindi na s'ya tumigil kakadaldal.

"I decided to go home early dahil wala na rin naman akong gagawin do'n" sagot naman ng katabi ko.

Oo magkatabi kami, kanina ko pa gustong lapitan si Trina pero ayaw akong palapitin, kaya wala akong nagawa kun'di sumunod.

"Tapos na ba ang birthday ni Iris?" Tanong ni Miss Alex.

"Yes" walang ganang sagot naman ng katabi ko.

"Sino si Iris Ma'am?" Edi sino pa kun'di si Rona na naman.

Gusto ko na patahimikin bunganga nito pero ayus na rin yung tinanong n'ya dahil na curious rin ako kung sino yung Iris.

"M-my Niece" medyo kabado pa n'yang sagot bago nakipag palitan ng tingin kay Miss Alex.

Weird.

Alam ko bukod kay Amaris may isa pa s'yang kapatid, baka ayun yung tinutukoy n'ya.

"Wow, may kapatid ka po pala Ma'am?"

"Yes, puro kami babae"

"Ikaw ma'am ayaw mo ng anak?" Singit tanong ko naman sa kan'ya.

"Ofcouse gusto ko, but not now" sagot n'ya naman.

"Ang swerte naman siguro ng magiging asawa't anak mo Ma'am" Kumento naman ni Maybs.

"I don't know pero I'll do my best to be a good mother" Ngumiti si Miss Selene.

"Sa anak natin?" Nakangising tanong ko na kina pula naman ng muka n'ya.

"Tama kana couz" natatawang sabi ni Kath.

"Naka drugs kaba?" Si Rona naman.

"Itulog mo yan Rhiane" it's Maybs na umiiling habang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Respeto sa may sakit dito" dagdag naman ni Trina na kunwari umubo.

"Bakit ba? Need niya ng asawa kaya ako na yon syempre" Reklamo ko naman sa kanila.

Mga kontrabida talaga tong mga kaibigan ko kahit kailan.

"Stop it bebe girl baka mangamatis yang katabi mo" biro ni Miss Alex na kinatawa nila ni Miss Karla.

"I'm so done with you!" Padabog na tumayo ang katabi ko at naglakad palabas ng kwarto.

Alam ko na kanina pa siya nanggigigil sa'kin dahil hindi ko rin siya tinantanan na busitin.

"Buntis kaba? Bakit ang moody mo?!" Habol sigaw ko na s'yang kinatawa nilang lahat.

"Goodluck at siguradong lagot ka" ngumiti si Kath ng nakakaloko.

Napa iling nalang ako at sinundan si Miss Selene sa labas. Hinanap ko s'ya kung saan saan pero hindi ko s'ya makita. Nag tanong rin ako mga nurse kung napansin ba nila pero hindi raw.

Saan naman kaya nag punta si Ma'am? Ang bilis niya naman para maka uwi agad.

Napagod nako kakahanap sa kan'ya kaya naisipan ko nalang umakyat sa rooftop.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na may nakatayong babae habang nakatanaw lang sa mga building.

"Miss are you okay?" Tanong ko nang makalapit ako sa kan'ya.

"Rhiane?"

Medyo nagtaka ako pero agad rin nanlaki ang mata dahil naalala ko kung sino s'ya. The heck...what is she doing here? Don't tell me....

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon