Chapter 43

3.1K 96 2
                                    

RHIANE

"SELENE NO!!" Sigaw ko ng makita kong susugatan niya yung kamay n'ya.

Mabilis kong hinila yung kamay niya at inalis yung basag na salamin.

"What the hell is wrong with you!" Galit na binalingan ko siya.

"Let me go! Hayaan mo na 'kong mawala! I'm so tired of this fucking life!" Nagpipiglas siya sa'kin.

She's drunk. Nakita yung bote ng wine sa table.

"No! I won't let you do the same!" Hindi ko siya binitawan at sa halip ay niyakap ko siya. Kusang tumulo yung luha ko na parang tanga na nag uunahan dahil bigla akong nakaramdam ng takot nung napansin kong dumudugo yung kamay niya.

"You can't leave me, like she did!" I cried.

Napatigil siya sa pag galaw kaya agad akong tumayo para humanap ng pwedeng ipamunas sa kamay niya. Nakakita ako ng towel sa table kaya kinuha ko yun at bumalik agad kay Selene.

"W-why are you doing this Selene!" Hindi ko maiwasang manginig habang pinupunasan yung kamay niya.

"I-mmm tireeeed" She said. Lasing na lasing siya kaya for sure hindi n'ya nararamdaman yung sakit ngayon.

"Whoooo aaaa yuuu?" Tumingin sa akin ang mapupungay niyang mata. "Where is my Heart?" She asked.

"It's here" Tinuro ko yung dibdib n'ya gamit yung kamay niya.

"I-i'm talking about my girlfrieeeend!" Medyo malakas na sabi niya. Para s'yang batang nag tatantrums.

Napatigil ako sa pag punas ng kamay niya at tinignan siya.

Is she talking about me? Assuming na naman ako jusko.

"Who's your girlfriend?" Sinakyan ko lang yung sitwasyon.

"That Miranda! I hate her! She said she loves me and she won't stop chasing me even if I push her away....but she's acting like she don't care about me now!" Sabi niya habang naka yuko. Kasunod na rin nun ang pag iyak niya.

Parang tinusok tusok yung puso ko sa mga sinabi niya. Kusa na rin pumatak ulit yung luha ako.

Siya yung nakipag hiwalay sa'kin pero bakit ganito siya? Akala ko ba hindi niya ko mahal?

"You said you don't love her and you're the one who broke up with her."

Itinayo ko siya para maka upo sa sofa dahil baka may mahawakan na naman siyang basag na salamin sa sahig. Tumabi ako sa kaniya at inayos ang pag kakaupo n'ya. Isasandal ko sana siya pero bigla naman siyang napasubsub sa dibdib ko.

What the...parang bigla akong nakuryente ng maramdaman ko ang labi n'ya na dumampi sa leeg ko.

RHIANE! Hindi ka dapat rumupok ngayon kahit sing rupok ka lang ng walis tingting!

"I do love her.." Pinakinggan ko lang siya.

"but I need to break up with her because hershgkfagshs"

"Huh?" Napatingin ako sa kaniya at nakita kong naka tulog na pala siya. I mentally facepalm myself.

Ano Selene nambibitin ka na naman?

Napaisip ako dahil sa huling sinabi niya na hindi natapos. 'She needs to break up with me because?' Naguguluhan ako, gusto ko siyang tanungin pero nakatulog na siya.

Napaka malas ko talaga.

Binuhat ko na si Selene sa kwarto, hindi naman siya mabigat kaya nadala ko siya ng walang hirap at dahan dahang hiniga sa kama. Inayos ko lang ang pwesto niya sa gitna dahil baka malaglag siya.

Chasing The Moon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon