MALAKI ang ngiti ko na akala mo ay nanalo ako sa ultra lotto.
"Mukhang masaya ang ferson ah." Bati ni daddy nang makaupo ako sa hapag. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Daddy kailan ka pa nabobo sa basic english? It's person not ferson," pagtatama ko rito na siyang ikinatawa niya.
"Trend iyon ngayon, palibhasa kasi anak hindi ka Gen Z," ani nito. What the hell is Gen Z? Bagong vitamins? Ipinilig ko nalang ang ulo ko at nagsimulang magsandok ng pagkain.
I have to go to work early, kailangan ko pang magpaliwanag sa board kung bakit kailangang ituloy ang hotel na hindi iniextend hanggang sa lugar nila Vicky. Napag-isipan ko na itong mabuti noon palang pagpunta ko sa site, we can actually use the back part for the pool area without relocating the people. Masyadong malawak ang lupa at hindi naman iyon makakaapekto sa kikitain kung wala sa gilid ang pool at nasa likuran. Kinausap ko na rin ang engineer ng project at sabi niyang pwede naman ang plano ko. Subukan lang talagang kumontra ng board ay isa isa ko silang patatalsikin.
Excited din ako ngayon dahil ito ang unang araw ng pagtatrabaho ni Vicky bilang personal assistant ko. She called me last night telling me that she's accepting the offer. Whatever changed her mind is just in favor of me. I'll make sure that you'll enjoy me Vicky. I mean you'll enjoy working with me.
"Mauna na ako mom and dad." Ani ko at humalik sakanila at nagmamadaling umalis. I'll pick Vicky up, baka kasi maligaw sa pagpunta ng kumpanya. Mga palusot eh. Calm your nerves dimwit.
"Magandang umaga ho aling Paula," nagmano ako sakanya nang maabutan ko siya sa bakuran ng bahay nila. Nang makilala ako nito ay bigla itong nagtitili at yumakap sa akin.
"Rouge hijo! Maraming salamat," bigla nitong pinugpog ng halik ang pisngi ko habang umuusal ng maraming salamat. Marahil ay nakarating na rito ang balita.
"Si Vicky ho?" Tanong ko nang medyo kumalma ito. As if on cue, biglang bumukas ang pinto ng bahay at lumabas roon ang hinahanap ko.
"Nay alis ho muna ako," wika nito, hindi niya pa napapansin ang presensya ko. Nang mag-angat ito ng tingin ay tila hindi nito inaasahan na andito ako.
"Andito pala si Sir Rouge anak, ano nga hong ipinunta mo rito Sir?" Binalingan na naman ako ni Aling Paula, nakita ko pa ang pag-ikot ng mata ni Vicky.
"Nako Rouge nalang ho nay, si Vicky ho ang ipinunta ko rito dahil simula ho ngayon ay sa akin na siya magtatrabaho." Mukhang nagulat naman si Aling Paula, mukhang hindi sinabi ni Vicky na magtatrabaho siya sakin. Binalingan niya ito at biglang kinurot sa tagiliran na ikina-igik nito. Nag-aalalang nilapitan ko ito ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil nakita kong okay lang naman ito.
"Ikaw Victoria Amelia ha, hindi man lang nagsasabi sakin ng mga ganap sa buhay mo. Baka mamaya ay may boypren kana pero hindi mo sinasabi sa amin?" Nahihintakutang sabi nito.
"Hayaan mo nay babantayan ko ho si Victoria, hindi ko ho hahayaan na may makalapit na lalaki sakanya." Nakangiting sabi ko na mukhang ikinatuwa naman ng ale. Wag kang mag-alala aling Paula dahil subukan lang na may makalapit sakanyang ibang lalaki ay magkakamatayan na. What's mine is mine.
PINAGSASASABI nitong hunghang na 'to? Halos nakakailang irap na ako simula nang makita ko itong si Rouge. Kung ano anong pinagsasabi niya kay inay na akala mo ay napakabuti niyang tao na ang katotohanan naman ay masama ang binabalak niya sa akin. Tangina talaga.
Matapos niyang paulanan ng mabubulaklak na salita si inay na akala mo ay nangangampanya siya ay nagpaalam na itong aalis na kami. Hindi ko nga alam kung bakit may pasundo itong lalaking ito eh kaya ko namang pumunta sa kumpanya niya ng mag-isa.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)