MALAWAK ang ngiti ko habang hawak hawak ang bag na kinalalagyan ni Lakandiwa sa front seat ng kotse ni Rouge. Sinilip ko ang dalawang bata na parehong nakaupo naman sa backseat kung saan naroon ng baby car seat. Pasulyap sulyap ako kay Rouge na seryoso lang na nakatingin sa harapan na para bang andun ang kaaway niya.
Pano ba naman hindi siya magkakaganyan eh kanina, narinig ko silang nag-aaway ng fiancee niya. He can't come with her dahil mas inuna niyang sumama sa amin. Of course, dapat lang na kami ang unahin niya dahil kami ang legal.
After few hours, nakarating rin kami sa farm. Siguro makakatulong din ito para mabalik ang alaala niya. Pero gusto ko ba talagang mabalik ang alaala niya kung saan puro lamang kami paghihiganti? Kung saan puro lang paghihiganti ang nasa isip ko sa isang kasalanan na hindi naman pala talaga siya ang may gawa.
Akmang lalabas na ako ng sasakyan nang biglang bumukas iyon bago ko pa man magawa. Napangiti ako ngunit tinalikuran niya na ako kaagad at pumunta na sa likuran upang kunin ang dalawang bata."Sir Rouge! Jusmeyo, buhay ka!" Ang sigaw ni Nay Rosita ang bumungad sa amin pagpasok na pagpasok namin sa bahay. Nasabi ko na sakanya na buhay si Rouge ngunit iba pa rin talaga kapag nakita mo ito sa personal. Awkward na ngumiti lamang si Rouge ng yakapin siya ng matanda. "Hijo, alam mo ba akala naming lahat patay ka na. Itong asawa mo, gabi gabing umiiyak, muntik pang mawala ang kam..." Napahinto siya sa pagsasalita nang pigilan ko siya. I don't think he need to hear that. Hindi niya naman ginusto na naaksidente siya. "Pasensya na hija, masaya ako na buhay ka hijo. Panigurado hindi na iiyak gabi gabi itong asawa mo." Pahabol pa niya bago ito bumalik sa kusina.
"Did we live here before?" Tanong nito habang inaasikaso ang mga dalang gamit. Ang mga bata ay tulog sa kama niya dito sa farm. Ako naman ay inaayos si Lakandiwa sa kanyang bahay na kaagad na humiga roon.
"After we got married, dito rin nabuo ang kambal." Nakangiting wika ko sakanya na ikinaiwas niya ng tingin.
"D-do you really have to say that?" Napansin ko ang pamumula ng tenga niya.
"Are you shy? Oh gosh, feeling virgin."
"I really am a virgin!" Kontra nito na ikinalaki ng mata ko.
"You're not, may kambal na nga tayo. Wait, you mean, hindi kayo nagsex nung fiancee mo?"
"Words Alexian!" Nahihintakutang wika niya na ikinalaki ng ngisi ko. At least they didn't, mas mapapadali ang plano ko na iseduce siya. I believe that he may forget about me, pero yung katawan niya ay hindi. I still have the same effect as before. Sinubukan ko na iyon noong nakaraang gabi kagaya nalang ng sinabi ni Tiara.
Dahil sa pagod sa pagmamaneho ay nakatulog siya sa kama kasama ng kambal. I can't help but to take pictures, they look so cute. Tatlong magkakapareho ang mukha ang nasa iisang kama.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko naimagine na mangyayari pa ito. God is really good. Before, it was just a wishful thinking. Ngayon andito na siya, magkakasama na kami, at hindi ko hahayaang mawala siya sa amin.
"Do you want to go to the waterfalls?" I suddenly asked Rouge. It was a quiet afternoon and he's on his laptop, nakatambay siya sa may duyan dito sa veranda. Kami lang dalawa ang nandito dahil nasa baba ang mga bata, namiss daw sila ni Nay Rosita dahil ilang linggo rin naman ang tinagal namin sa Maynila. Nag-angat siya ng tingin sa akin at kumunot ang noo.
"Meron dito?" Tumango ako. His face suddenly lit up like a little kid who's excited with something. He suddenly stood up and went inside the room, akala ko ay ayaw niya ngunit nagulat ako nang bumalik siya at excited na hinila ako pababa na ikinatawa ko. Such a cutie.
Kung dati ay siya ang nag-akit sa akin na pumunta rito, ngayon ay ako naman. At kung dati ay mag-isa akong pumupunta rito tuwing nalulungkot ako, ngayon kasama ko na ulit siya.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)