This is the last chapter of Mr. President's Son. Thank you for reaching this part, I really appreciate it. Huyyy kimmy!
********
TODAY is my cousin, Raphael's wedding. Kung hindi niya pa kami tinawagan ay hindi ko malalamang ikakasal na siya. Siya kasi ang pinsan kong ayaw sa babae. Hindi naman siya bading pero sobrang ilap niya talaga sa babae kaya nagulat ako na ikakasal na siya. Ako pa nga ang ginawa niyang best man.
I feel so anxious standing here in front of the altar. Kahit na hindi naman ako ang ikakasal ay kinakabahan pa rin ako, siguro dahil na rin sa hindi magandang karanasan ko rito. Gusto ko nga sanang tanggihan si Raphael ngunit nakakahiya naman dahil ako ang pinaka-close niyang pinsan. I don't want to ruin his special day.
Isa-isang naglakad ang mga flower girl at napangiti ako ng malaki nang makita ko si Berry na cute na cute sa suot nitong tutu dress, isa rin siya sa flower girl. Sinasaboy niya pa ang mga petals habang naglalakad at mukhang gustong gusto niya pa ang ginagawa. Nasa gilid niya ang pinsan kong babae at nag-aabang kung sakali mang matumba siya.
Matapos ang mga flower girls ay si Vermillion naman ang naglakad, dala dala niya ang unan kung saan nakapatong ang singsing dahil siya ang ring bearer ngayon. Kagaya ni Berry ay may nakaantabay din sa gilid niya na pinsan ko upang hindi siya matumba.
Natapos na ang pagmamartsya ng mga bridesmaids ay hindi ko man lang nakita ang asawa ko na ipinagtaka ko. Nakita ko kanina si Maya na isa sa mga bridesmaids ngunit wala si Raya. Saan na naman nagsusuot ang babaeng iyon? Konti nalang talaga ay itatali ko na siya sa bewang ko. Pero baka kasabay siya ng bride dahil siya ang maid of honor?
Ngunit lahat ng pagtataka ko ay nasagot nang tuluyang bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Napaawang ang bibig ko nang pumailanlang ang tunog ng piano sa buong simbahan kasabay ng paghakbang ng babaeng ngayon ay malaki ang ngiti na nakatingin sa akin.
What's happening?
Saglit na nahiwalay sakanya ang atensyon ko nang tapikin ako ni Raphael na malaki ang ngiti.
"Congrats bro, it's not my wedding yet dahil wala naman akong girlfriend. It's just your wife and mom's plan to surprise you." Nakangiting wika nito bago pumunta sa gilid ko. Pati ang magulang niya ay malaki rin ang ngiti na pumalit sa kinauupuan nila mommy kanina at sila mommy na ang tumayo sa may harap ng altar katabi ko.
"Surprise baby!"
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. I'm in so much shock right now. Buong seremonya ata ay nakatulala lang ako at hindi ko marinig ang sinasabi ng pari.
When it's time for our vows, saka lamang ako nabalik sa ulirat. Ngayon lamang nag-sink in sa akin ang mga nangyayari.
"Raya, tell me this isn't a dream. I didn't prepare a vow because I thought I'm just my cousin's best man for his wedding. Little did I know, ako pala ang groom." Panimula ko, narinig ko ang mahinang pagtawa ng pari, mula sa likod ng kanyang belo ang nakikita ko ang nangingislap na mata niya dahil sa luha ngunit kitang kita mo ang kasiyahan sa mukha niya at sa nakakurba niyang labi. "Hindi ko na papahabain pa ito. I just want to tell you that I love you and I'm so proud that I have you as my wife. We've been through a lot, separated for years, face so many challenges, but here we are. Standing in front of the altar after our cancelled wedding. I'm sorry if I always brush it off whenever you asked me about getting married for real, I'm such a coward. It's such a shame na ikaw pa ang gagawa ng paraan upang matuloy ang naudlot nating kasal. Raya, mahal na mahal kita. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko sa buhay na ito, at sa mga susunod pa. Ikaw at ikaw lang ang pipiliin ko."
"Sabi mo hindi mo na papahabain." Natatawang wika nya na nakapagpatawa sa mga nanonood. "But seriously speaking Rouge. Hindi ako nakapagprepare ng vow ko. Sa sobrang dami ng gusto kong sabihin wala akong naisulat ni isa. Nakatulugan ko nalang ang pagsusulat kagabi. I guess, I'll just say my vows from my heart." Bumuntong hininga siya. We're both looking at each others eyes while holding each others hands. "Rouge, thank you for coming into my life. For coming back into our lives. Dati wishful thinking ko lang yung magiging kumpleto tayong pamilya, pinagdarasal ko lang gabi gabi kahit na para saakin, maliwanag pa sa sikat ng araw na wala ka na ngunit lahat nga ng dasal ay naririnig ng Diyos. You're here. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin, at ng magiging mga anak pa natin."
After putting each other's rings, the priest announced us as husband and wife, that I can now kiss my bride. Finally!
Iniangat ko ang belo na nagtatakip sa mukha niya at kaagad na siniil siya ng halik. It's been six hours since I last kissed her and I feel like it's been years. Adik lang.
"Bakit naisip mong gawin ito Raya?" Malambing na tanong ko sakanya habang nasa biyahe kami patungo sa reception. Nakayakap ako sakanya habang marahang hinahaplos ang mabilog niyang tiyan.
"Napapansin ko kasi na iniiwasan mo kapag binubuksan ko ang tungkol sa kasal. I came into a conclusion na baka natrauma ka sa nangyari dati which is true kaya kinausap ko si mommy. I told her about my plan and she helped me. Siya halos ang nag-asikaso ng lahat." Napangiti ako.
"I should thank her later."
Nang makarating kami sa reception ay nagkakasiyahan na ang mga bisita. Andito rin sina Jake at Francine na halos hindi mapaghiwalay at kulang nalang ay subuan ang babae.
Kagaya ni Raya ay malaki na rin ang tiyan ni Francine. Masaya ako para sakanilang dalawa. Lalo na para kay Francine, she really is like a little sister to me and I'll always love her like that. A sister that I never had.
Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot para kay Maya. Siguro ganito talaga ang buhay. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya. I'll pray that Maya will find a guy that will love her endlessly. He who will love her more than she loves him.
Wala sa sariling napatingin ako sa pinsan kong si Raphael na tahimik na kumakain sa gilid.
"Baby," kinalabit ko si Raya na ngayon ay kumakain ng cake. Dapat ay hindi pa talaga icucut ang cake dahil sa huli pa iyon ngunit pagkapasok na pagkapasok namin ay iyon kaagad ang tinarget niya. Napaaga tuloy ang cake cutting ceremony dahil sa cravings ni buntis. Mabuti nalang at hindi ganun katamis ang pagkakagawa ng cake kung hindi ay siguradong may iiyak na buntis.
"Bakit?" Nakakunot ang noong tingin nito sa akin, kumakain pa rin. Inabot ko ang panyo at pinunasan ang gilid ng labi niya na may icing pa bago ako nagsalita.
"You think bagay si Raphael at Maya?" Tanong ko, I'm just wondering. What if magwork diba.
"Ewan ko Rouge, tanong mo sila. Leave me alone, I'm eating." Masungit na sabi nito kaya napakamot ako sa noo ko.
Ayaw ko mang iwan si Raya sa table namin ay kailangan dahil kailangan kong makipag-usap sa mga bisita. Ayaw niya kasing sumama dahil napapagod daw siyang tumayo. Ayoko rin namang mapagod siya dahil baka mapano pa si baby. Lumalaki na rin kasi ang tiyan niya kaya nahihirapan na siyang gumalaw galaw. Naiintindihan naman iyon ng mga bisita.
"Mommy, thank you for making our wedding happen." Niyakap ko si mommy na maluha luha pang sinapo ang mukha ko.
"Of course baby, mommy will do anything to make you happy. Big boy na talaga si kuya." Wika niya na ikinakunot ng noo ko.
"Anong kuya ka diyan, I'm an only child ma." Nakita kong pasimple niyang siniko si dad at hilaw siyang ngumiti.
"Hindi na ngayon anak." Wika ni daddy na animo ay proud na proud na ikinagulantang ko. What the heck?
Wala sa sariling napatingin ako sa bandang tiyan ni mommy. Ngayon ko lang napansin na medyo may umbok nga iyon.
"Oh God! Really? At this age? Mommy mas matanda pa ang mga anak ko sa magiging kapatid ko." Nahihintakutang sabi ko. Napanguso lang si mommy habang tumatawa si daddy.
"Why are you shouting Rouge?" Di ko namalayang nasa tabi ko na pala si Raya na tapos na sa pag-kain.
"Baby, you won't believe it. I'm going to have a younger sibling na!" Damn, it feels so weird to say. Kagaya ng reaksyon ko ay ganoon rin ang kay Raya. Pabalik balik pa ang tingin niya kay mommy at daddy.
"Oh gosh, congrats mom and dad!"
After that shocking revelation, nalaman ng lahat ng tao sa reception ang pagdadalantao ni mommy. Well, my mom is still young so it's really possible. Everyone congratulated them. I'm happy for them, kahit na medyo nagulat ay masaya pa rin tuwing nakikita ko kung gaano kasaya silang dalawa. Hayst, humabol pa talaga si daddy, malapit na siyang maging senior citizen eh.
"Raya, thank you for coming into my life. Wala na akong gugustuhin pa kundi ikaw lang at ang mga anak natin."
"Weh talaga ba? Ayaw mo bang malaman kung saan ginastos ang 125 million na confidential fund?"
The end....
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)