"HINDI ka buntis hija." Malamig na sabi ni Nay Ansyang, napabuntong hininga ako. Mabuti na lamang at nasa labas si Rouge na inaya ni Tay Ato na pumunta sa bukid para kumuha ng mga gulay.
"Pasensya na ho nay, pero pwede ho bang wag niyong ipaalam kay Rouge?" Pakiusap ko rito. Think Alexian, think!
"Hindi maganda ang magsinungaling sa iyong kasintahan hija. Ano man ang iyong rason ay hindi iyon sapat na dahilan upang paasahin mo ang iyong asawa sa isang bagay na hindi naman darating. Baka ito lamang ang makasira sa relasyon ninyong dalawa." Napayuko ako. Hindi dahil sa nag-aalala ako sa kahihinatnan kuno ng relasyon namin na wala naman ay naguguilty na naman ako sa pinaggagagawa ako.
"Nay kasi, ayoko hong madisappoint siya. Noong nalaman namin na buntis ho ako ay sobrang saya niya ngunit nawala ho iyon at hindi ko magawang sabihin sakanya dahil araw araw ay pinaparamdam nya ang excitement niya para sa baby namin." Pinalungkot ko ang boses ko para magmukhang makatotohanan. How can I be such a liar? Pwede na akong gumawa ng libro sa sobrang galing kong maghabi ng kwento. Impromptu pa to ha!
Mukhang nadala naman siya sa gawa gawa kong kwento dahil bahagyang lumamlam ang kanyang mata at hinawakan ang aking kamay.
"Pasensya na sa pangingielam ko hija, hindi ko naman alam na ganyan pala ang pinagdadaanan niyong mag-asawa. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng anak dahil noong araw ay ilang beses ring nawalan ako ng anghel habang sila ay nasa sinapupunan ko. Hayaan mo, ipagdadasal ko na magkatotoo na mabuntis ka. Asahan mo rin na hindi ko ito sasabihin kanino man." Nako nay wag po, kumatok ka sa kahoy! Ayoko pang mabuntis!! Lalong lalo na ng lalaking iyon!
Binigyan ko siya ng isang ngiti bago ako bumalik sa kubo na tinutuluyan namin.
"Ano raw sabi ni Nay Ansyang?" Bungad ni Rouge nang pumasok siya sa kubo. Halos nakatungo na nga siya dahil sagad na sagad ang tangkad niya sa bubong nitong kubo. Kita ko rin ang pawis na namamalisbis sa kanyang hubad na katawan. Hubad ka na naman.
"Okay naman daw si baby, salamat sa Diyos." Marahan ko pang hinaplos ang imaginary bump ko. Sorry po Lord, sana'y mapatawad mo ang lahat ng aking kasalanan.
"That's good, by the way, pupunta ako sa bayan, sasama ako kay Tay Ato. Baka nagkicrave ka ng kung ano, para mabili ko na."
Umiling ako, hindi naman ako totoong buntis kaya bakit ako magkicrave diba? Pero parang gusto ko ng almond na chocolate coated kaya sinabi ko iyon sakanya. Napangisi siya ngunit hindi na nagsalita at tumango na lang.
"Ingat ka dun." Tumango naman ito bago lumuhod sa harapan ko at patakan ng halik ang tiyan ko. Aba, nasasanay na ito ah?
Mag-aalas siete na ng gabi ngunit wala pa rin ni anino ni Rouge. Hindi ako mapakali. Hindi ko dapat ito nararamdaman pero hindi ko talaga maiwasang kabahan dahil nag-uumpisa nang umulan.
Ang paunti unting patak ng ulan ay agad na naging malakas na buhos. Inabot ko ang telepono ko ngunit dead battery na pala iyon, gusto ko sana siyang tawagan dahil nag-aalala na ako.
Teka bakit ako nag-aalala? Really? I'm not a psychopath, never. Pero hindi naman kasi ako ganun kasamang tao upang hayaan na lamang siya na nasa kung saan habang malakas ang buhos ng ulan.
Another thirty minutes have passed and I already decided to go to Nay Ansyang's house to borrow an umbrella so I can look for them pero bago pa man ako makalabas ng bahay ay bumukas na ang pintuan at pumasok roon si Rouge. Basang basa siya mula sa ulan, tumutulo pa iyon sa lupang sahig nitong kubo. Sa kanyang kamay ay hawak hawak niya ang ilang plastic na may kung ano anong laman.
"Bakit ang tagal mo? Nag-alala ako!" Inis na wika ko. Teka bakit ko pa sinabi iyon? Sa utak ko lang dapat iyon. Humakbang siya palapit ngunit tumigil din kaagad dahil narealize niyang basa siya.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)