TILA wala akong marinig. Nanlalamig ang buong katawan ko habang tumatakbo ako papalabas ng simbahan.
No! Hindi ito totoo!
Hindi ko na alam kung paano ako nakarating ng ospital sa sobrang panghihina ko.
"Miss, nasaan ang asawa ko? Iyong mula sa naaksidenteng bridal car." Tanong ko sa babae sa reception. Pinagtitinginan ako ng mga tao ngunit wala akong pakialam. I'm still wearing my tuxedo for our wedding.
"Dinala na ho sa morgue sir." Nang marinig ko iyon ay mas lalo akong nanlumo.
I've been praying that this is just a nightmare. Na sana ay may biglang gumising sakin at sabihing buhay pa si Raya at tuloy pa ang kasal namin.
Wala sa sariling naglakad ako patungo sa morgue. Nang nasa tapat na ako nun ay hindi ko magawang pumasok. Ilang beses kong tinangka pero hindi ko kaya.
I found myselfm crying while kneeling in front of the morgue. Nakailang buntong hininga ako bago nanginginig ang tuhod na pumasok sa loob ng kwarto.
Sa gitna noon ay naroon siya, natatakpan ng puting tela.
"R-raya," nanginginig na tinanggal ko ang puting tela na nakatakip roon. Her face was distorted due to the accident but I know, I know she's not my wife. She may be wearing all the things my wife's wearing for our wedding but I know, I know in my heart that this dead girl is not my wife.
Walang pagaalinlangan kong iniwan iyon. Walang rason para alamin ko pa kung sino iyon, I feel bad for her but I have to go. Baka kung nasaan lang ang asawa ko.
I don't know who did this but I know for sure, my wife is in bad hands. Baka mapahamak pa siya kapag may sinayang pa akong segundo.
Kaagad kong tinawagan si Daddy at pinaalam ang nangyari. He told me he'll help and will contact my ninong who is a general.
Raya, wait for me my love.
MALAKI ang ngiti ko habang nakatingin sa salamin. Nasa loob ako ng hotel kung saan ako nag-stay kagabi. Sabi kasi nila mommy at mama na dapat ay hindi kami magkasama ni Rouge sa araw bago ang kasal namin. Ayaw nga nung pumayag kasi daw ay buntis ako at kasal naman na daw kami pero ang dalawang nanay ay pinilit na pamahiin daw iyon kaya wala na kaming nagawa.
Sobrang ganda ng pagkakaayos sa akin. Huli kong isinuot ang binigay niya sa aking engagement ring. I can't believe this is happening now.
We're getting married na, after everything, sa altar pa rin pala ang tuloy.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Binuksan ko iyon at nakita ang room attendant na may dala dalang juice. Nagtataka man dahil wala akong inoorder ay hinayaan ko nalang dahil nauuhaw rin ako.
Ilang minuto nalang ay kakasalin na kami. Napangiti ako habang inaabot ang baso at sumimsim roon.
Konti palang ang nasisimsim ko ay ramdam ko na ang pag-ikot ng paningin ko. Wala sa sariling napakapit ako sa ulo ko hanggang sa tuluyan akong mawalan ng malay.
Nasaan ako?!
Tangina, nasaan ako?
Natatakot na inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala akong makita dahil sa dilim ng paligid.
Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko magawa dahil sa pagkakatali ng mga kamay ko sa likod ng kinauupuan ko. Hindi ko rin magawang sumigaw dahil sa busal sa bibig ko.
Naipikit ko ang mata ko nang biglang kumalat ang liwanag sa paligid dahil sa binuksang ilaw.
"You're finally awake." I stilled hearing that voice. Ilang taon na ba nang huli kong marinig ang boses na iyon? Hindi ko na mabilang.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)