29

577 17 5
                                    

HINDI nakulong si Labrador Samonte  dahil napatunayan na may sakit siya sa pag-iisip. Imbes na sa kulungan, sa mental hospital ang bagsak niya.

Naidischarge rin naman kaagad si Raya matapos makitang wala namang mali sakanila ng baby na siyang pinagpasalamat ko naman sa Diyos.

Nagising ang buong diwa ko nang magising ako na wala si Raya sa tabi ko. Kaagad akong napatayo, kumakabog ang aking dibdib. Ilang linggo na ang nakalipas pero parang natrauma ako kapag bigla siyang nawawala.

Kaagad kong tinakbo ang pagitan namin ng pintuan ngunit bago pa man ako makaabot doon ay kaagad na pumasok doon ang aking asawa na may bitbit na malaking bag ng vegetable chips. Tila nakahinga naman ako ng maluwag at wala sa sariling naglakad palapit sakanya at niyakap siya. I got scared. Maybe I know that everything is fine now, pero hindi parin nawawala ang takot sa puso ko na baka isang araw ay kunin na naman siya sa akin.

"Akala ko kung saan ka na naman napunta." Wika ko na ikinatawa niya.

"OA mo Rouge, kumuha lang ako ng pagkain dahil nagkicrave ako. Saka napapaligiran ng bodyguard ang buong farm kaya malamang ay walang makakakuha sa akin dito. Chill kalang mahal."

"Kahit pa, kahit kailan yata ay hindi ako mapapakali kapag bigla bigla kana lang nawala. If you're craving for something in the middle of the night, don't hesitate to wake me up. Sasamahan kita sa baba." Wika ko habang panaka nakang hinahalikan ang tuktok ng ulo niya.

"Pero pagod ka sa trabaho Rouge." Aniya, ngumunguya na ng vegetable chips. The sound she's making is so funny because she's really munching it like she's in an ASMR video.

"I don't care, kahit pa pagod ako, mas matitiis ko pa 'yon kesa mamatay ako sa pag-aalala sayo."

"Hmmm..kay."

Tapos na siyang kumain at ngayon ay nakayakap siya sakin. Nilalaro laro ko ang buhok niya habang nakatulala sa kawalan. Being with her gives me peace of mind.

"I'm so proud of you baby." I suddenly blurted.

"Hmm, why?"

"You're so strong. Hindi ka nagpadala sa ginawa ni Labrador sayo. I'm so proud that you have a very strong mentality."

"That? Siguro nakatulong din ang pagiging abogado ko. Saka ikaw rin at ang mga anak natin. Kung magpapadala ako sa emosyon ko at iisipin ko pa ang mga nangyari, baka mapano lang ang baby natin. Kayo rin ang mahihirapan, ayoko namang mangyari iyon. Kaya kahit na nalulungkot ako sa ginawa ni Daddy, pinilit ko nalang iyong kalimutan dahil wala naman iyong mabuting maidudulot sa buhay ko. Saka, naaawa rin ako kay Daddy kahit pa naging masama siya sa akin. Ginawa niya lang iyon sa sobrang pagmamahal niya kay Veronica, na nakalimutan niya na ang iba niyang mga anak. Hindi niya deserve ang kapatawaran ko at hindi niya rin iyon hinihingi pero ibibigay ko parin iyon sakanya dahil ako rin ang mahihirapan kapag nagtanim ako ng galit." Mahabang litanya niya na nakapagpangiti sa akin.

I'm so lucky to marry a girl like her. She has the purest soul that I always feel guilty how I hurt her before.

Naabutan ko sila Raya, mommy, at ang kambal sa ilalim ng puno ng mangga dito sa bahay namin sa Manila. Dito na muna kami pansamantala para sa kasal ng isa kong pinsan. Mukhang nasasanay na rin naman si Berry dahil hindi na siya nagkakasakit, napapadalas na rin kasi ang pag-luwas namin.

Iniisip namin ni Raya na dito nalang manatili dahil nandito ang trabaho ko pati na rin ang kanya. Palagi pa rin daw siyang minimessage ng dating law firm na pinagtatrabahunan niya at gustong gusto niya na iyong tanggapin.

Ang sabi niya sa akin, nag-stay lang naman daw siya sa probinsya dahil andun ang alaala naming dalawa at ngayong magkasama na kami ay okay na kahit saan pa kami mamalagi. Pero ang pangunahin pa rin naming isinasaalang alang ay ang kalusugan ng mga bata. Titingnan namin kung magiging okay lang si Berry at pag nagtuloy tuloy iyon ay dito na kami titira.

Mr. President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon