23

575 17 1
                                    

"GOOD morning baby," Rouge said huskily. Good na good talaga ang morning kung siya ang bubungad. I just smiled at him, my eyes still closed. Mas lalo akong lumapit sakanya na akala mo ay mayroon pa akong sisiksikan, ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa mga hubad naming katawan. "Gising na, birthday na ngayon ng mga bata." Umungol lang ako bilang sagot. I just want to stay like this forever.

Under the sheets. And inside his arms.

Napasigaw ako nang bigla akong umangat sa ere. Kaagad akong napakapit sa braso niya sa takot na baka mahulog ako.

"Ano ba Rouge!"

Tumatawang ibinaba niya ako sa bathtub na mayroon nang tubig. Kaagad na lumukob ang lamig sa aking hubad na katawan. Magrereklamo na sana ako ngunit kaagad ko iyong napigilan nang pumwesto siya sa likuran ko at niyakap ako mula roon. Walang wala ang lamig ng tubig sa init na nagmumula sa katawan niya.

"We should hurry na, we still have to prepare for our kids' birthday party." He whispered sensually. He started caressing my tummy, up to my boobs. His actions are contradicting his words. "Or maybe that can wait,  maaga pa naman." He said before kissing me and more....

"You know what Raya, what if?" Rouge suddenly blurted as we're both busy decorating in the garden. Napakunot ang noo ko at nilingon siya. Hinihintay ang sasabihin niya ngunit walang dumating.

"What if ano?"

"What if sundan na natin ang kambal?" Dahil sa sinabi niya ay napatawa ako. Ibinato ko sakanya ang unang bagay kong naabot na kaagad niya namang nailagan. "Baby, muntik akong tamaan no'n!" Nahihintakutang sabi niya, nanlalaki pa ang kanyang mata. Yung pang-pump ng balloon pala ang naibato ko sakanya.

"Sa sunod tatama na talaga yan kapag hindi mo ako tinigilan. Palibhasa kasi sa pag-gawa lang ang ambag niyong mga lalaki hindi kayo ang mahihirapan sa paglilihi, paglilabor, panganganak. Kung makasuggest ka parang nanghihingi ka lang ng candy." Mahabang paliwanag ko. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga decoration nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa likuran ko.

"I'm sorry." He suddenly whispered. "I'm sorry kasi wala ako noong pinagdadaanan mo ang mga iyon noong pinagbubuntis mo ang kambal. I know it's hard to do that all alone, but you did it baby. I'm so proud of you." A warm hand suddenly touched my heart with what he said. Napangiti ako at umikot upang magkaharap kami. Tumingkayad ako upang halikan ang kanyang labi na kaagad niya namang tinugon.

"Oops, sorry ate. Pero may bwisita po kayo." Napatigil kami sa ginagawa at napatingin sa kung saan nang makarinig roon ng komosyon.

"Can you believe this Rodel? May mga apo na tayo, not just one, but two!" Wika ng ginang na buhat buhat si Berry na kampante lang sa bisig niya. Ang lalaki namang tinawag niyang Rodel ay hawak hawak si Vermillion na ngayon ay may hawak nang laruan na hindi ko alam kung saan galing. Bumaling ang tingin nila sa aming dalawa ni Rouge na magkalapit pa rin ang katawan. Naiilang na napalayo ako kay Rouge at tumikhim. "Oh my! Rouge, you got a pretty wife my son. Come here, let mama kiss you." Son? Mama niya ito? Lumapit ito sa gawi namin upang humalik kay Rouge at pati na rin sa akin. Dahil sa ginawa niya ay nakita iyon ni Berry at gumaya rin na ikinatawa ng ginang. Nang makita naman nito ang ama ay kaagad itong lumipat at nagpabuhat.

Wala sa sariling lumapit ako sakanya at inabot ang kanyang kamay para magmano. Tila nagulat naman ito sa ginawa ko ngunit hindi naman ako sinaway. Pati ang kanyang asawa ay mukhang nagulat rin.

"Magandang umaga po."

"Baby, hapon na." Rinig kong bulong ni Rouge na bahagyang natatawa pa.

"Ay hapon po pala." Awkward akong tumawa. Shuta? What if ayaw nila sa akin para sa anak nila tapos mag-offer sila ng sampung milyon para layuan ko si Rouge. Huhu. Papayag ako agad, tapos babalikan ko si Rouge pag nakuha ko na yung pera. Ay ano ba itong iniisip ko.

Mr. President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon