"MAGANDANG umaga," nakangiting wika ko nang makita ko si Vicky na lumabas ng kubo. Nakaupo ako ngayon sa isang kawayang upuan na nasa ilalim ng puno at pinapanood ko ang pagtaas ng araw. Ngayon ay mas naaappreciate ko ang ganda ng kalikasan dahil sariwa ang hangin rito hindi gaya ng polusyon sa ciudad.
"Good morning din."
Tumayo ako at iniwan ang iniinom na kape sa upuan para lumapit sakanya at patakan siya ng halik sa labi. Saglit lamang iyon at kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya napangisi ako. Bahagya akong lumuhod sakanya upang mahalikan ang kanyang tiyan. I've been used to doing this.
"Good morning din sayo baby, wag pahirapan si mommy." Hindi ko na namamalayan na sa paglipas ng mga araw na magkasama kami ay nasasanay na ako sa ideya na magkakaanak na kami. And I know I said that I'm not yet ready for this, slowly, I'm accepting it. And I know to myself that I won't allow anything bad to happen to the both of them, they already have a place in my heart.
Inalalayan ko siya na maupo sa kawayang upuan, wala pang alas sais at nag-uumpisa palang na umangat ang araw. Tanging ang tilaok ng manok at huni ng mga ibon lamang ang maririnig, malayong malayo sa maingay na ugong ng mga sasakyan. This kind of life was really peaceful. Kung hindi lamang sa realidad ng buhay ay mas pipiliin kong tumira sa ganitong lugar, simple, payapa. Ngunit sa ciudad ay naroon ang trabaho ko. Naroon ang buhay ko.
"I love it here." Biglang saad ni Vicky. Kanina lamang ay iniisip ko kung gaano kapayapa rito, ngayon ay binabanggit niya na ito.
"Do you want to live somewhere far from the city?" I asked her. Nilingon ko siya ngunit ang atensyon niya ay nasa papaangat na araw. Bahagya siyang tumango.
"I want to live in a farm, tapos mag-aalaga ako ng mga farm animals tapos gusto kong magkaroon ng alagang kabayo. Tapos pupunta ako ng bayan na sakay lamang ng kabayo ko. Then sa isang parte ng lupa ko is taniman ng mga mangga at iba pang prutas, tapos ang isang parte naman ay taniman ng gulay. Parang ang saya ng ganung buhay, kapag gusto kong kumain doon na lamang ako kukuha ng pang-ulam." Nakangiti pagkukwento nito. There's something in her smile that is contagious that I just found myself smiling while watching her.
"Where do you want to have your farm?"
"Bicol nalang sana. Taga Bicol kasi si mama. Bakit? Bibilhan mo ba ako ng farm?" Nanghahamong wika nito pero sa pabirong tono. Ngayon ay nakaharap na siya sa akin, bahagya pang nakaangat ang kanyang kilay na tila nagsasabi na, papalag ka ba?
"Well, we have a property in Camarines Norte. Mayroon kaming taniman roon ng prutas, mga farm animals mo nalang ang kulang." Bahagyang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko ay hinampas ako sa braso.
"Nagbibiro lang ako, wag mong masyadong seryosohin. Wishful thinking lang iyon." Tumatawang saad niya.
"Well, just tell me if you want to settle there. We can raise our baby there."
"Baliw." Iyon lamang ang sinabi niya at saglit na natahimik.
"Oh, ang aga niyo namang nagising na mag-asawa. Nag-almusal na ba kayo?" Wika ni Mang Ato na kalalabas lang ng bahay nila. May hawak hawak itong garapon na may lamang mukhang bahog ng manok. Tama ako ng hinala dahil nang kalugin niya ang garapon ay nagsilapitan sakanya ang mga manok. Astig.
"Mamaya ho Mang Ato, nagkukwentuhan pa ho kami rito sa may puno."
"Dito na kayo kumain sa amin, nagluluto ang Nay Ansyang niyo ng sinangag, sabay sabay na tayo."
Sa araw na iyon ay sinamahan ko si Mang Ato na mangahoy sa gubat nang sumapit ang hapon. Gagamitin itong panggatong para sa pagluluto dahil wala ritong gasul. Wala ring kuryente dahil masyadong malayo na ito sa kabihasnan.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)