"YOU done?" Nakangiti kong salubong kay Rouge nang makita ko siyang papalapit sa akin. Tumango rin naman siya at ngumiti at sinamahan na ako sa pagpila para mabayaran na ang pinamili namin.
Kung ano man iyong narinig ko, I have to forget about it. I need to forget about it. I should forget about it.
Ahhh! Mababaliw na ako!
Ano naman ngayon kung mahal pa nila ang isa't isa? Na siya talaga ang mahal ni Rouge kahit naalala na niya ang lahat. Epal mo Alexian Hiraya, hindi ka naman niya minahal, not before, not now, not in this lifetime. Sobrang galing ko talagang mag self sabotage.
"Hey, you okay?" Napa-igtad ako nang biglang hinawakan ni Rouge ang hita ko. Napatagal ang titig ko sa kamay niya na namamahinga roon bago ako nag-angat ng tingin sakanya. Napansin niya siguro ang pananahimik ko. I just smiled at him weakly before nodding.
"Ubos na social battery ko, I need to sleep na." I just said. Kahit ang totoo ay nanghihina ako sa nalaman.
"Aww, kawawa naman ang baby na yan. Napakahyper mo kasi sa paghahanap ng decors, napagod ka tuloy. You can sleep now, I'll just carry you when we get home." He suggested na tinanguan ko nalang para tapos kaagad ang usapan.
Hindi ko inakala na makakatulog talaga ako sa biyahe at nagising nalang ako nang maramdaman kong umaangat ako sa ere. Kahit gising na ay hinayaan ko nalang na nakapikit ang mata ko at dinama ang pagkakakarga niya sa akin. Who knows, baka ito na ang huli at bumalik na siya sa tunay niyang mahal.
Edi wow, dun na siya. Wala akong pake.
Nagdabog.
Umiyak.
Nadefreeze.
Charot.
"I know you're awake, I guess you love it when I carry you, hmm?" Natatawang wika nito habang binababa ako sa kama. Pinanatili ko naman ang pagpapanggap kong natutulog kahit nabisto na ako. "Oh, you're sleeping pala. Sayang, I want to kiss you pa naman but I guess later nalang pagkagising mo." Agad akong nagmulat ng mata dahil sa sinabi niya na kinatawa niya naman. He flicked my forehead making me pout. "Adik sa kiss." He said before placing a kiss on my lips. Wag ka ngang ganyan, baka mahirapan akong pakawalan ka kapag pinili mo nang sumama sakanya.
Napatikhim ako dahil sa naisip. Mukhang napansin niya ang pagbabago ng mood ko kaya kumunot ang noo niya.
"Do you have a problem? Or we have a problem? Kanina ko pa napapansin ang pagbabago ng mood mo. One moment you're smiling then the next, your eyes looks sad. Tell me baby." I focused my attention on my hands playing with each other. Hindi ko kayang tumingin sa mata niya, I might break down.
"Ganito talaga ako kapag malapit na magkaroon ng period, I'm sorry." Pinilit kong pasayahin ang boses ko. He seems to buy that alibi kaya napabuntong hininga ako. Thinking that I need to rest, umalis rin siya ng kwarto. Nakatulog rin naman ako kaagad pagkaalis niya.
Mabilis na lumipas ang mga araw, namalayan ko nalang na kinabukasan na kaagad ang kaarawan ng kambal.
Sa mga araw rin na lumipas ay sinusubukan kong iwasan si Rouge. Kailangan ko na namang sanayin ang sarili ko na wala siya. Masyado na akong nagiging dependent sakanya kahit alam ko namang anytime soon ay iiwan niya na rin ako. Shuta, pinatikim lang pala ako ng pakiramdam ng ilang linggong may asawa. Tangina talaga.
Bukas birthday na ng kambal, naisip kong bukas o sa sunod na araw, basta matapos lang ang birthday ng kambal, ay kakausapin ko na si Rouge tungkol sa narinig ko. Anumang magiging disesyon niya ay tatanggapin ko.
Hindi ako mapakali. Nakailang ikot na ako sa kama. Sa mga nagdaang araw ay sa kwarto ng kambal ako natutulog. At masasabi kong hirap talaga akong dapuan ng antok. Masyado na naman akong nasanay na katabi siya. Pero hindi, iba kasi ang kama kaya hindi ako makatulog, hindi siya ang dahilan kung bakit di ako makatulog.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)