ABALANG abala ako sa papalapit na kasal namin ni Raya. Halos ako ang nag-aasikaso ng lahat dahil ayokong mastress pa ang asawa ko dahil buntis siya. Gusto niya sanang tumulong pero tumanggi ako dahil baka mapano pa siya. I want her to just rest and leave everything to me. Tinatanong ko lang kung ano ang gusto niya para sa kasal namin tapos ako na ang nag-aasikaso ng lahat.
Sa bahay nagsstay ang pamilya ni Raya. Sobrang saya ko dahil nakikita kong sobrang namiss niya ang mommy at kapatid niya.
"Ey baby, how's your day?" Bati ko sakanya nang maabutan ko siyang nakahiga sa kama at kumakain ng mangga. Nagtanggal ako ng necktie at hinubad ko ang polo ko bago ako sumampa sa kama at hinalikan siya. Matapos ko siyang halikan ay yumukod ako para halikan ang medyo nahahalata niya nang tiyan.
"Okay lang, nag-picnic kami nila mommy, mama, daddy, saka ng kambal sa may talon. Hindi pala alam ni daddy na may talon dito sa property ninyo?" Ani nito na hindi inaalis ang atensyon sa mansanas na kinakain.
"Property natin baby, and no, hindi naman siya nagpupunta rito kaya hindi niya alam."
"By the way Rouge, bukas na ang gown fitting ko. Pa'no yan? Two weeks na ang kasal natin? Sure ba na aabot yung gown?" Nag-aalalang tanong nito.
"Don't worry baby, magaling si Magdalena. I know she can do it on time."
Kinabukasan ay dumating si Magdalena Verganza, ang may-ari ng Madeleine. She's my friend from college.
"This is Raya, my wife. Raya baby, this is Magdalena, she's a designer and a friend." Malaki ang ngiti ni Magdalena na animo ay nanunukso pa.
"'Nak nang kakasal kana pala, akala ko talaga tuluyan ka nang nabakla after ng pagkawala ni Veronica." Wika nito.
"Hindi, at saka we're already married. I just wanted to marry her again, this time sa simbahan." I smiled at her.
Habang sinusukatan niya si Raya ay kapansin pansin ang pananahimik nito. Tiningnan ko ito ngunit nag-iiwas naman ito ng tingin.Matapos sukatan ay iniabot niya kay Raya ang brochure ngunit tila hindi naman nito iyon tiningnan at basta nalang tumuro ng gown. Matapos iyon ay nagpaalam itong aakyat na. Tumingin ako kay Magdalena, nanghihingi ng paumanhin sa inasal ni Raya. I find it really rude. Ni hindi niya man lang kinausap ang designer ng gown niya.
"I'm sorry Magdalena, alam mo naman ang mga buntis, masyadong moody." Nakakaunawang ngumiti lang ito.
"It's fine, I understand. Ganyan din ako noong pinagbubuntis ko ang anak ko." Di makapaniwalang tiningnan ko siya.
"You're already married?" Tumango lang ito at pinakita ang singsing. Hindi ko alam iyon ah. Akala ko tomboy siya.
"Oh siya, mauna na rin ako. Babalik nalang ako kapag nagawa ko na ang gown." Tumango ako at sumunod kay Raya.
Nang makarating ako sa kwarto ay nagulat ako nang makitang naka lock iyon. Hindi naglalock ng kwarto si Raya.
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit hindi ako pinagbubuksan. I don't know what made her upset.
"Raya baby, open the door please?"
I don't have a choice but to get the spare key. Nang mabuksan ko ang pinto ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama at nakatitig sa kawalan.
"Baby," tawag ko dito ngunit hindi niya ako pinansin.
"Ex mo pala si Veronica?" Kumunot ang noo ko. Gagawin niya bang big deal iyon? Nabanggit lang naman ni Magdalena. 'Yon ba ang ikinagagalit niya?
"You know her?" Tumango lang ito.
"I saw your pics with her before pero akala ko magkaibigan lang kayo. But hearing it from your friend, it makes me think. Kaya mo ba ako minahal kasi kamukha ko siya?" Biglang sabi nito na nakapagpagulantang sakin. What does she mean?
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)