THE moment he left the room I found myself crying my eyes out. Tangina, iiwan niya na naman kami. Hindi ko ba deserve maging masaya? Pati ba naman mga anak ko magagaya sa akin na walang kumpletong pamilya?
Sumalampak ako sa sahig, kipkip sa dibdib ang kumot na pinangtatakip ko sa aking hubad na katawan. Wala akong lakas na tumayo kaya hinayaan ko nalang ang sarili kong magmukhang miserable dito sa ibaba.
Napatigil ako sa pag-iyak ko nang maramdaman kong umaangat ako sa ere. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang malamlam na tingin ni Rouge.
"Damn, I'm sorry. Stop crying, Raya." Napasiksik ako sa leeg niya at hinila pa siya papalapit sa akin. Nilapag niya ako sa kama at sinapo ang mukha kong sigurado akong punong puno ng luha. "Can you loosen your hold Raya? I'll just get your clothes. Baka sipunin ka." Wika nito nang mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa leeg niya matapos niyang punasan ang mukha ko. Umiling ako at mas sumiksik pa sa leeg niya.
"Kapag binitawan kita, iiwan mo ako." Parang bata kong sabi, sa isipin palang na iyon ay usod usod na namang tumulo ang luha ko.
"I won't, I promise. Saglit lang, hmm?" Pakiusap niya ngunit matigas akong umiling.
I heard him sigh before standing up with me. Buhat buhat niya ako papasok sa walk in closet, hindi niya talaga ako binitawan habang kumukuha siya ng damit ko.
Ibinaba niya ako at kasabay ng paglapat ng paa ko sa sahig ay siya ring pagkalaglag ng kumot na nagtatabing sa katawan ko. Nahigit ko ang hininga ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Pati ata luha at sipon ko ay umurong sa nakikita. The next thing he did makes my knees weak.
He kissed the stretchmarks on my waist, the signs that I gave birth to our twin.
"I'm sorry for forgetting you Raya, babawi ako."
I FELT like I am the biggest jerk when I decided to leave my wife, my kids, my family just because I forgot about her.
Medyo malayo na ang naabot ko nang mag-sink in sa akin ang mga nangyayari. The circumstances are different from before. Yes, I have Francine, I was so sure of her to the point that I'll marry her, but everything has changed when I found out about my wife. That I have a wife and kids. Hindi na pwedeng sariling kaligayahan ko lamang ang isipin ko.
I decided to return to the farm only to find her breaking down on the floor, only the blankets covering her body. The scene tugged my heart, oh God.
I tried calling Francine. Kapag mas pinatagal ko pa ay mas lalo lang siyang masasaktan. Pareho silang masasaktan ni Alexian. I decided to tell her everything, that I am already married and I have two kids. I can't afford to hurt her furthermore. But to no avail, she's not answering her phone.
Pinapanood ko ang mag-iina na ngayon ay naglalaro sa sala nitong bahay. Nasa lap ko naman si Lakandiwa na kumportableng kumportable sa pwesto niya. I am not that fond of cats but it seems like Lakandiwa's case is different. Siguro dahil alaga talaga siya namin ni Raya dati? Na malapit talaga ang loob ko sakanya.
Pasulyap sulyap naman sa akin si Raya na akala mo ay bigla akong mawawala. I just smiled at her, assuring her that I won't leave.
"Dadda, look!" Napangiti ako nang lumapit sa akin si Vermillion at pinakita niya sakin ang coloring book na kinukulayan niya.
"Very good naman ang baby ko." Wika ko habang ginugulo ang buhok niya na ikinatawa niya naman. Gustong gusto niya kapag ginugulo ko ang buhok niya.
Mayamaya lang ay sumunod rin si Berry at pinakita ang gawa niya.
"Dadda look po, mas pretty ang gawa ko kesa kay kuya." Wika nito na ikinasimangot ng isa.
"Hindi kaya ate, mas pretty yung akin. Look nga oh, lagpas lagpas naman pagcolor mo eh." Reklamo naman ni Vermillion, minsan ay nalilito ako kung sinong panganay sakanilang dalawa dahil ate at kuya ang tawag nila sa isa't isa pero sabi naman ni Raya ay si Berry daw ang nauna.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)