14

496 17 3
                                    

TULALANG nakatingin ako sa bagay na hawak ko. This can't be real right? But recalling all the things we did, without using protection, of course it wasn't impossible.

Napapikit ako ng mariin nang maalala na naiwan ko rin pala ang pills ko sa bahay niya nang pumunta kami rito sa probinsya. At ilang linggo na kami rito.

Tiningnan ko ito ulit ngunit ang dalawang pulang linya ay hindi naman nawala.

Two lines, positive.

Putangina.

Hanggang saan aabot ang paghihiganti ko na wala namang progress dahil una palang ay alam niya na ang plano ko? A fucking nonsense.

But one thing's for sure, I won't let him know about my baby. Our baby.

I have to find a way out of here. Tangina kakalimutan ko na ang lahat ng plano ko, masiguro ko lang na ligtas ang anak ko.

"Hey, are you okay? Kanina ka pa tulala." Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Rouge. We're in the dining area at hindi ko napansin na kanina pa pala ako nag-s-space out. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa pag-kain.

Sa loob ng ilang linggo namin rito sa probinsya ay masasabi kong okay naman ang pagtrato niya sa akin, hindi niya ako pinaghihigpitan maliban nalang sa telepono kong hindi ko alam kung saan niya inilagay. Noong nakaraan lang nga ay hinayaan niya akong pumunta sa centro, kasama si Maya.

Napaangat ako ng tingin nang tumunog ang telepono ni Rouge. I saw how his expression changed as he answered the phone.

"What? What do you mean? Pupunta na ako agad diyan." Bigla siyang tumayo at tumakbo pataas ng kwarto niya. Hindi ko na naitanong kung anong problema dahil nagmamadali siya.

Mayamaya lamang ay pumasok ulit siya sa dining area at lumapit sakin, may dala siyang isang backpack at sa kanang kamay ay hawak niya ang susi.

"I'll be gone for a week, stay here okay? Call me from time to time. Mag-iingat ka."

Naupo ako sa duyan sa veranda ng kwarto ni Rouge habang nasa lap ko si Lakandiwa na hinahaplos ko ang balahibo.

The sun was setting.

Sunsets always represent a beautiful goodbye they say. But I think not all sunsets are beautiful. Some sunsets are dull, and everytime that happened, we didn't bother to watch it so we can't really tell. Honestly speaking, tinitingnan lang naman natin ang paglubog ng araw kapag tumingin tayo sa langit at nakita natin na nagkalat ang iba't ibang kulay. Then we'll say, the sunset is beautiful isn't it?

Ilang beses sa isang buwan ba maganda ang paglubog ng araw? Hindi ba ay may mga araw na umuulan, may mga araw na maulap, may mga araw rin na sa kinaroroonan mo ay hindi makita ang paglubog ng araw at kung ako ang tatanungin ay mabibilang lamang sa kamay ang magandang paglubog ng araw. Ibig sabihin, most goodbyes are not beautiful.

Just like now...

I'm holding a tote bag with Lakandiwa inside. Wala akong dalang kahit na anong damit, tanging sarili ko lang at si Lakandiwa, habang papaalis ng farmhouse.

Madilim na at ang tanging ilaw na lamang sa poste ang tanglaw ko para hindi madapa. Maingat ang mga hakbang ko na makagawa ng kahit anong ingay dahil baka mabuko nila ang pagtakas ko.

Nang makarating ako sa mga puno ng mangga ay natanaw ko doon ang lalaking naghihintay sakin.

"Alexian, I miss you." He said as he dip his head to kiss my lips. I stilled by his sudden movement. I don't know but this doesn't feel....right, bigla kong naalala ang mukha ni Rouge. Ipinilig ko ang ulo ko, why would I remember him? And why would it feel wrong when in the first place, he's my fiance.

Mr. President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon