GIVING birth. I never thought that it would be this scary. Habang pinagmamasdan ko siyang hirap na hirap habang pinipilit niyang ilabas ang anak namin ay hindi ko mapigilang maisip kung paano niya pinagdaanan ang ganitong klaseng sakit noong pinapanganak niya ang kambal.
"Another push Raya, malapit nang lumabas si baby." Halos mapapikit ako nang pumalahaw na naman siya ng iyak habang pinipiga ang kamay ko.
Matapos ang kanyang mahabang pag-ire, pinuno naman ng iyak ng bata ang buong delivery room.
"Congratulations mommy and daddy, it's a healthy baby boy." Pigil ang hiningang tiningnan ko ang anak namin. He looks so small.
I kissed my wife's forehead, just like me, she's also looking at our son in awe. Exhaustion is evident in her face but it didn't hide the happiness in her. Napakaganda.
"Good job baby." I kissed her again, this time on her lips.
"Amaccana pinsan, nang-iinggit pa kayo. Ako na single, hmp!" Rinig kong reklamo ni Tiara na ikinatawa ko lang.
"CRIMSON ISA PA! I told you that knives are dangerous, pa'no kung aksidente kang nahiwa niyan o natusok?" Pakiramdam ko ay mapapabilis ang pagtanda ko dahil sa mga batang ito. Pa'no ba naman, saglit ko lang tinalikuran ang bunso namin upang tingnan ang niluluto ko, pagtingin ko pinaglalaruan na ang kutsilyo.
"I'm safe naman po dadda, chill ka lang. Papangit ka niyan." Nakangising wika nito. Ilang taon na ba itong batang 'to. Sa pagkakaalala ko wala pang apat na taon ito pero kung makapagrason, talo pa ang matanda.
"Ewan ko sayo Crimson, susumbong kita kay mommy mo, papaluin ka nun sige." Pananakot ko rito.
"Ikaw po papagalitan ni mommy, dadda kasi hindi mo po ako binabantayan ng maayos."
"Ewan ko sayo anak, kung ano ano natututunan mo sa ninong Jake mo." Ginulo ko ang buhok niya at hinayaan na siya roong kumain. Baka kasi kapag kinausap ko pa siya ay hindi din naman ako mananalo. Si Jake kasi, palagi nalang nandito at ginugulo ang mga anak ko. I can't blame him though, ilang taon na ang nakalipas pero alam kong nasasaktan pa rin siya. Poor guy.
Alas singko na pero wala pa rin ang mag-iina. They attended the twin's classmate's birthday party. Kasama dapat kaming dalawa ni Crimson pero itong batang ito talaga ay maraming kaartehan sa buhay at nang aalis na kami dapat ay ayaw niya na raw sumama at gusto niyang dito lang kami maglalaro. Wala akong nagawa dahil iiyak ito at hindi titigil kapag hindi nasunod ang gusto. Minsan talaga kinukwestyon ko ang paraan ng pagpapalaki ko sa mga bata, o kung naging mabuting tatay ba ako sakanila ngunit tuwing nangyayari iyon, palagi akong inaassure ng asawa ko na may mga pagkakataon mang kinukunsinte ko ang mga bata, pero hindi ibig sabihin nun ay nag-fail na ako sa pagiging mabuting tatay. She and the kids always tell me that I'm the best father in the world.
"Rouge, you won't believe what I saw." Bungad sa akin ni Raya the moment she entered our room, hindi niya na kasama ang kambal, malamang ay nasa kanya kanyang kwarto na nila. Gabi na rin kasi at oras na ng pagtulog ng bata.
"Mahal kararating mo palang, chika ka na agad. Wala man lang kiss?"
"Tigilan mo ako Rouge. Bahala ka nga, hindi ko na ikukwento." Nagtatampong wika nito at naglakad patungo sa banyo ngunit hinila ko siya palapit sa akin. Bumagsak siya sa kandungan ko at mahigpit ko siyang niyakap.
"Joke lang baby ko, tampo kana naman. Anong chika mo ba?" Bumalik ang sigla sa mukha niya at umayos ng upo paharap sa akin.
"I saw Francine."
"Huh? Where?" I said curiously. "Nasabi mo na ba kay Jake?" Umiling siya.
"I won't tell him, deserve niyang mahirapan. Kasi gago siya."
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)