IT'S BEEN a week since the accident happened, well it's not really an accident because someone is behind that. Naguguilty ako dahil kung hindi ko sana sinundo si Vicky ay hindi siya madadamay. Mabuti na lamang at hindi siya nainjured. Hindi rin ako pinapapasok ni mommy sa trabaho dahil nag-aalala siya na baka hindi lang ganun ang gawin sakin, baka daw mas malala pa, hindi nalang ako kumontra dahil kukutusan niya ako kapag sinuway ko siya. Hanggang ngayon ay wala pa ring lead kung sino ang bumaril sa sasakyan ko pero ang hinala namin ay mga kalaban ni daddy sa politika.
Walang gana akong nakatingin sa nagpipresent sa harapan para sa renovation ng resort sa Batangas ngunit ang utak ko ay lumilipad sa kabilang parte ng lamesa kung saan nakaupo si Vicky.
Sinama ko siya sa loob ng meeting room para magtake notes kuno ngunit sinong niloko ko? I want to keep an eye on her.
Kanina palang pagpasok namin sa kumpanya ay pinagtitinginan na siya ng mga tao, especially, mga lalaki. Nasabi ko na ba na natural na maganda talaga si Vicky? Kaya kailangan ko siyang bantayan.
Ngunit tila maling desisyon na sinama ko pa siya rito dahil nang masulyapan ko ang katabi nitong engineer ay tila ito asong ulol na sulyap ng sulyap kay Victoria. Panaka naka rin silang nag-uusap at ang bwiset na engineer ay hinaplos pa ang pisngi niya para alisin ang tirang sauce mula sa kinakain nitong pizza na ikinatawa nito.
What the heck? Bakit siya nagagawang ngitian samantalang ako puro irap ang natatanggap mula sakanya?!
Nang matapos ang meeting ay nakasimangot akong lumabas agad, hindi ko na nilingon ang ibang shareholders na tumatawag sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang inis ko dahil sa nakita. Maybe it's my ego talking, naapakan ang ego ko bilang lalaki.
Padarag kong sinarado ang pintuan at naupo sa swivel chair.
Maybe by this time, ayos na ang titulo ng lupa nila. Sakanila na iyon. I don't have to continue this deal with Vicky. I hate feeling this way, I don't want anyone to make me feel this way. I'm not naive, this feeling is not just something, this is different and I opt to just guard myself. This is dangerous.
Yeah right, I should just get rid of her before it became something deeper, something I'm afraid to name. And I know I'm so near to that thing, judging what I feel earlier when I saw her smiling with a man. It's too early, yes, and I know I can easily prevent it. Prevention is better than cure.
Napabuntong hininga ako.
Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan at sumilip roon si Victoria. Tamang tama lang.
"I've decided," panimula ko. Kumunot lang ang noo niya, naghihintay ng sasabihin ko. "You can stop working as my personal assistant also, you're not my whore anymore, just go." I said, not looking at her. I'm afraid that I won't stand firm with my decision if I look into her eyes.
"Pero wala pa nga akong nagagawa para saiyo, paano ang lupa?" Nag-aalalang sabi nito.
"You can have it. I just realized that you are more than the worth of that piece of land. I'm sorry for making you feel like trash." I know asking her to be my whore was something that is degrading for her. And I'm the biggest jerk for that, my mom always told me to respect girls but what I did to her was something my mom will be angry of.
Nagtataka man ay tumango lang ito.
"Mabuti naman at naisip mo iyan. Maraming salamat sa donasyon Mr. Benitez." Pormal na wika nito hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan, indikasyon na umalis na siya.
I have to do this to protect myself for unwanted feelings. Commitment is something that I am afraid of, so is love. I'm not ready for that.
Nang bumukas ang pinto ay hindi na ako nag-angat ng tingin. Akala ko ay bumalik si Vicky dahil may naiwan kaya hinayaan ko nalang at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ngunit napaigtad ako nang may humampas sa lamesa ko at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si daddy, galit na galit ang hitsura niya na ipinagtataka ko.
"What the hell have you done?!" Ani nito na nakapagpadagdag lang sa kunot ng noo ko. Bago pa man ako makapagsalita ay ibinagsak na nito ang isang diyaryo na nakapagpalaki ang mata ko.
On the headline was written in bold letters 'Mr. President's Son Was Spotted With Harrison Monterey In A Bar, Kissing.'
Kissing?!
And with that is a photo of me and Harrison, in that angle, we really look like kissing but in reality, lumapit lang siya sakin para bumulong dahil sa sobrang ingay ng bar ay hindi kami magkarinigan. Kung sino man ang kumuha ng litrato na iyan ay pwede kong premyuhan dahil ang galing. Ang galing nilang gumawa ng kwento.
"That's nothing dad, we're just talking." I explained calmly but it didn't make my dad calm down.
"Palagi nalang ganito Rouge ha, kaonti nalang talaga ipapakasal na kita. Hindi lang imahe mo ang nasisira, pati na rin ang sa akin."
"Dad, ikinakahiya mo ba ako kung bading man ako? Para saan pa at pinaglalaban mo ang karapatan ng third gender kung ganyan rin pala ang opinyon mo kung sakali mang miyembro ako noon?" Napatahimik siya bigla.
"Totoo ba yan anak?" Ngayon ay medyo nakakalma na siya.
"Eh ano naman ngayon dad? We're living in a democratic country wherein we can identify ourselves as what we want." I'm not gay but this is something that I should speak out. Apektadong apektado siya sa mga balita tungkol sa akin na dapat siya ang nakakaalam ng totoo dahil ama ko siya, kung tutuusin ay wala namang masama sa pagiging bakla. Hindi ko alam bakit ginagawa itong issue ng media. Although hindi ako ganun, still he should not react this way.
Akala ko ay okay na kay dad ngunit bigla na naman itong sumimangot.
"I want to have apo."
"You know my opinion on that. I'm not ready for commitment, I'm not ready for marriage, meaning I'm not ready for kids."
"If you won't give me a grandchild, makikita mo, yung mana mo mapupunta lahat sa charity at ni kusing wala kang makukuha." I just shrugged. Okay lang sakin, hindi naman ako naghahabol ng pera sakanya. He can do whatever he wants with his hard earned money. Kung sa charity man iyon mapunta ay mabuti dahil mas marami pa siyang matutulungan kapag nangyari iyon.
"Sandali!" Sigaw ko dahil kanina pa nagdodoorbell ang kung sino mang tao ang nasa labas. Pinupunasan ko pa ang basa kong buhok ngunit tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Vicky na nakatayo sa harapan ng penthouse ko, umiiyak. "What happened?!" Nag-aalala kong tanong. Kanina lamang ay hinayaan ko na siyang magpatuloy sa buhay niya, pero ngayon nang makita ko siyang umiiyak ay tila nasasaktan din ako. Ano ba 'to? Ayoko nito, dapat tinutulak ko palayo ang mga taong alam kong hindi naman permanente sa buhay ko ngunit nakita ko nalang ang sarili ko na inaalalayan siya papasok sa penthouse ko. Ngayon ko lang rin napansin na may dala dala siyang maleta.
"R-rouge, buntis ako."
Tila nabingi ako sa sinabi niya. My mind can't process what she said, if she's kidding me I swear, I'll punish her.
"I-is it true? How come?" Dumb, of course we had sex. Kahit lasing ako noon ay naalala ko namang ni isang beses ay hindi ako gumamit ng proteksyon. Bakit sa lahat ng bagay ay iyon pa ang nakalimutan ko? "Sigurado ka bang sakin iyan?"
"Tanga ka ba? Mukha ba akong papatira kung kani kanino?" Galit na sabi nito, namumula ang mata at ilong niya kakaiyak. Shit, anong gagawin ko? Kakasabi ko lang na hindi pa ako handa sa ganito tapos ngayon ito naman.
"I'm sorry if I offended you, uhm, so what's our plan."
"Hindi ko alam, pero kakapalan ko na ang mukha ko, baka pwedeng makituloy muna ako dito kahit ilang linggo lang. Pinalayas kasi ako ni nanay. Wala raw siyang anak na disgrasyada." Malungkot na sambit nito.
This is so sudden. Totoo talagang ang mga bagay na ayaw mo ang siyang lumalapit sayo. All of a sudden, I'm going to be a father. I should be happy right? Or not? I don't know.
Hindi ako ganoon kasama para paalisin siya ngayong buntis na siya sa anak ko. Anak ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala.
Napatingin ako sa bandang tiyan niya na hindi pa naman halata na may laman na dahil flat pa rin iyon, nakahiga na siya ngayon sa kama sa guestroom at natutulog. Ako na ang nag-ayos ng gamit niya dahil mukhang pagod na pagod siya. Wala sa sariling napangiti ako at nang marealize ko ang ginagawa ay napailing nalang ako at lumabas ng kwarto.
I should just don't let myself get too attached, the last time I did, I lost her together with myself. I can't afford to experience the same hell again. I will never.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)