WALA sa sariling pinapanood ko ang mag-iina na ngayon ay nasa kusina. The two kids, which she said are named Vermillion and Berry, are sitting on their high chair na dala dala nila pagpunta rito. Ang nanay nila ay nagluluto ng kung ano at iyong babae namang kasama nila na si Maya ay gumala raw.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I have children. Hindi lang isa, dalawa pa.
Hindi naman iyon imposible dahil kung tutuusin ay asawa ko naman siya.
Minsan ay iniisip ko na kung hindi siguro ako nagka-amnesia ay nakasama nila ako sa paglaki nila o habang ipinagbubuntis sila ng nanay nila.
"Dinner's ready." Masayang wika ni Alexian na bahagya pang pumalakpak matapos ibaba ang mga niluto niya sa lamesa. Siguro ay naramdaman nito na kanina ko pa siya tinitingnan kaya nag-angat ito ng tingin sakin at biglang ngumiti. I was taken aback by that smile that I got frozen in my ground. "Come here na daddy, let's eat na." Aya nito. It made me uncomfortable. It's just so weird, I'm not used to it.
Hindi ako nagsalita at naupo nalang. She quickly put food on my plate like what a good wife should do. Ipinilig ko ang ulo ko, instead of overthinking, you should think of ways on how will she sign the divorce paper.
But what about the kids? Bigla akong naguilty. Hindi lang pala kaming dalawa ang maaapektuhan dahil may mga anak kami. Hindi ko man sila maalala, the fact that I have a family will never change.
Now it's getting harder. Hindi ko na alam.
She's feeding the kids alternately, hands on na hands on siya sa dalawa na halos hindi na siya makakain. I stood up from my seat and walk towards them, tutal ay tapos naman na akong kumain, I'll help her nalang.
Tila natigilan siya nang kinuha ko sa kamay niya ang kutsara na ipinangsusubo niya kay Berry at ako ang nagpatuloy sa pagpapakain rito.
Berry seems to like it, hindi niya ako pinahirapan sa pagpapakain sakanya. I was honestly nervous, simula nang dumating sila rito ay ito ang unang beses na nakalapit ako sakanila.
Napatigil ako sa pagpapakain kay Berry nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakalapag sa lamesa.
Nang makita ko kung sino ang tumatawag roon ay agad ko iyong kinuha bago pa niya makita kung sino iyon. Why do I feel like a cheating husband? Well, is it considered cheating if you cannot remember that you have a wife and you don't have feelings for her?
"Excuse me, I'll just answer this." Wika ko ngunit agad akong napatigil nang biglang umiyak si Berry. Tumingin rito si Vermillion at nang makitang umiiyak ang kapatid ay bigla rin itong umiyak. Natatarantang nilapitan ko ang dalawa ngunit pinigilan ako ni Alexian.
"Go on, sagutin mo na. Ako na ang bahala sa dalawa." She said. I was a bit hesitant because the poor girl looks at me like I'll be going somewhere far away. Nakakaawa ang hitsura nito na punong puno ng luha ang mata.
"Dadda, don't weave me again." Humihikbing wika nito, she's now tugging my shirt. Fuck, do I have a heart to leave this little girl?
"Baby, dadda won't leave. He'll just answer the phonecall." Pag-aalo ni Alexian pero mas lumakas lang ang iyak nito kaya nagpasya na akong lumapit nalang sakanya at kargahin ito.
The moment I carried her in my arms, she immediately hush down.
"Dadda me too!" Umiiyak na wika ni Vermillion. I don't have a choice but to carry them both into my arms. Yumakap silang pareho sa leeg ko at mayamaya lamang ay naging pantay na ang paghinga nila. The are already asleep.
Habang hawak ko silang dalawa, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Is this the so called lukso ng dugo? I am really a father now.
"Pasensya kana, hindi mo na nasagot iyong tumatawag sayo. Baka importante iyon." Wika ni Alexian nang maihiga ko ang dalawa sa guest room nitong penthouse.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)