24

592 17 4
                                    

"CONGRATS Rouge, magiging daddy kana." Nakangiting pahayag ni Francine. Tila nabingi ako sa kanyang sinabi at kaagad na nagdilim ang aking paningin. Before I could even react, my world went black.

Puting kisame ang sumalubong sa akin pagmulat na pagmulat ng mata ko. Inilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto at nakita ko ang nag-aalalang tingin ni Rouge na nakaupo sa tabi ng kama ko. Hawak hawak niya ang kamay ko. Nang makita ko ang mukha niya ay kaagad na bumalik sa akin ang mga nangyari. Kaagad kong piniklas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Baby," tawag nito ngunit hindi ko siya pinansin. Itinuon ko ang atensyon ko sa kumot sa harapan ko maiwasan lamang ang  tingin niya. Baka maiyak lamang ako kapag nakita ko iyon.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil ang sabi niya sa akin ay walang nangyari sakanila ngunit ngayon ay lumalabas na nagsinungaling lang pala siya at buntis pa ito. Oo nga at nang mga panahong iyon ay hindi pa nito naaalala ang tungkol sakin pero kahit anong pang-ga-gaslight ko sa sarili ko ay hindi ko maiwasang masaktan.

"Baby, look at me please." Kinuha niya ang kamay ko at papalag na sana ako ulit nang dalahin niya iyon sa labi niya at hinalikan. "Baby, her baby wasn't mine. She's just lying. Believe me please." Dahil sa sinabi niya ay nag-angat ako ng tingin. Kitang kita ang sinseridad sa mata niya.

"Liar. Sabi mo walang nangyari sainyo pero nabuntis mo." Panunumbat ko. Napapikit siya ng mariin na akala mo ay sumasakit ang ulo niya sa akin.

"Ang kulit naman Raya, kakasabi ko lang na hindi akin yun." Bahagyang tumaas ang kanyang boses na ikinaigtad ko. Ramdam ko na ang pag-iinit ng gilid ng mata ko at anumang oras ay alam kong tutulo na iyon.

"Raya na ngayon? Hindi na baby?! Sabi ko na nga ba hindi mo naman talaga ako mahal! Mas mahal mo si Francine kasi mas matagal kayong nagsama. Samantalang ako pinakasalan mo lang bilang ganti kasi nagsinungaling ako sayo!" Umiiyak na sambit ko. Mukhang nagulat naman siya sa pag-iyak ko at akmang lalapitan niya ako nang mas lalong lumakas ang iyak ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling.

"Baby, stop crying. Oh god, what should I do with you?"

"Ano? Iiwan mo na ako kasi iyakin ako? Magpa-file kana naman ng divorce?"

"Baby, I love you okay. Stop crying." Dahil sa sinabi niya ay himalang tumigil ang pag-iyak ko. As if hearing him say I love you makes my mind at ease. He took that as opportunity to touch my face and remove the tears on my face using his big hand.

"You really love me?" Parang bata kong tanong sakanya habang nakatingala dahil nakatayo siya. Tumango naman ito at pinatakan ng halik ang labi ko.

"Are you calm now? Can we talk na?" Nang tumango ako ay kaagad siyang nagsalita. "The baby wasn't mine."

NANG sabihin ni Francine na buntis siya ay alam ko na kaagad na hindi iyon sa akin dahil unang una, wala namang nangyari sa amin. Ngunit nawala roon ang atensyon ko nang biglang mabuwal si Raya mula sa kinatatayuan nito. Kaagad ko itong nilapitan at malalaki ang hakbang na umalis mula roon. Wala na akong pakialam kung sino man ang nakabuntis sakanya, ang mahalaga ay madala ko sa ospital ang asawa ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay nakita ko silang nag-uusap nung lalaking kaibigan ni Raya. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at tumuloy na.

"Believe me baby, it wasn't mine. I only want to have another baby with you and not on another woman."

"And that will happen again dear cousin." Sabat nang bagong pasok sa kwarto. Sabay kaming napatingin roon at nakita si Tiara na malaki ang ngiti. Nakasuot ito ng doctor's robe at kaagad na dumiretso kay Raya at niyakap ito. "Congrats Alexian, kuya  Rouge! I'll be having another baby niece or nephew!" Tila hindi ko maprocess ang sinabi nito.

Mr. President's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon