"ATE Raya, kakain na raw po sabi ni Sir Rouge." Napatakip ako ng tenga ko dahil panay ang katok ni Maya sa pinto ng kwarto ko. Sobrang aga pa naman, hawak ko na ang kutsara at hindi makakain si Rouge ng wala ako?
"Tell him to go to hell Maya! I'm still sleepy. For God's sake, ang aga pa." I never meant to shout at her but it's just so annoying. Gusto ko pang matulog.
"Pero ma'am, mag-aalas once na ho, umaga pa po ba yun?" Pamimilosopo pa nito. Hay nako, this girl. Simula ng ipakilala siya sa akin ni Rouge bilang katuwang rito sa bahay ay naging kaclose ko na ito. Sadyang kwela kasi ito ngunit ngayon ay hindi ako sakanya natutuwa. She's ruining my sleep.
"Arghhh!!" Inis na sigaw ko at ibinato ang unan sa may pinto, sakto namang bumukas iyon kaya tumama iyon sa tao roon. Rouge entered my room, with his stern look and pursed lips.
"Why are you throwing an attitude with our worker Raya?"
"I am not, it's your fault! Inaantok pa ako pero pinagang patawag mo ako sakanya, napagbuntunan ko tuloy si Maya."
"Say sorry to her, you know that we have to treat our workers right, right?" Sinimangutan ko siya. Naupo siya sa tabi ko kaya umusog ako palayo.
"Dapat ikaw ang mag-sorry dahil kasalanan mo kung bakit ko ginawa yun."
"Raya!" Bahagyang tumaas ang boses nito kaya napaigtad ako. Unti unti kong naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng mata ko hanggang sa unti unting tumulo ang luha mula roon.
Inabot ko ang kumot at nagtalukbong noon habang maingay na humihikbi. Narinig ko pa siyang nagmumura pero wala akong pake. Kailangang marinig niya ang iyak ko kaya mas lalo ko pa iyong nilakasan. Oh gosh, this is so not me. I don't know why I am being so emotional but I care less, naiinis ako sakanya.
"Hey, stop crying na. I got you a basket of mango." Bigla akong napatahimik mula sa aking pag-iyak at tinanggal ang kumot. I can feel my face lighting up because of what he said. Just imagining those sweet mangoes are making me salivate.
"Really?" Nakangiting wika ko sakanya. Tumango naman siya at pinunasan ang luha mula sa mukha ko.
"Yes, but you have to say sorry to Maya first." Masayang tumango ako at hinila siya paalis ng kama. Nagpatiuna pa ako para hanapin si Maya na naabutan namin na nanonood ng paborito niyang teleserye sa may sala. Hinahayaan kasi sila ni Rouge na manood o gawin ang gusto nila basta wala na silang kailangang gawin.
"Maya, sorry sa pagsigaw ko kanina." Wika ko, nakanguso.
"Oks na oks lang ma'am, basta ninang ako kapag nagkababy na kayo ni sir." She said cheekily, hilaw akong napangiti. That will never happen.
Naramdaman ko ang braso ni Rouge sa bewang ko at ang bahagya pa nitong pagyukod.
"Then we should start making our babies." He whispered, tumili naman si Maya na narinig ang sinabi ng lalaki. Siniko ko nalang ito at kumawala sa pagkakahawak nito at nagtungo sa kusina.
Naabutan ko roon si aling Rosita, ang nanay ni Maya. May katagalan na pala sila ritong caretaker, simula pa nang iacquire ng pamilya nila Rouge itong farm.
"Aling Rosita asan ho si Lakandiwa?" Tanong ko rito dahil hindi ko pa nakikita ang aking pusa, baka kung saan saan na naman ito nagsusuot.
"Ay ma'am nasa may kwarto ho yata ni sir, doon po kasi nito pinalagay ang pinagawa niyang bahay ng pusa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bahay ng pusa? Why would Rouge do that? I'm fully aware that he doesn't like cat in general, hindi rin siya masyado lumalapit kay Lakandiwa kaya bakit niya pinalagay ang bahay nito sa kwarto niya? At saka pinagawan niya ito ng bahay!
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)