"JAKE, isn't it too fast? Magpapakasal talaga kayo?" Tanong ko kay Jake. Nasa garden kaming dalawa ngayon. Malungkot na tumango naman ito.
"I have to, I don't want my baby to grow up without a complete family. You know Alexian, I really want my child to experience the same thing I experienced growing up."
"Pa'no ikaw? Pa'no si Maya? I know you love her."
"I know, but my decision is firm. Hindi ako pwedeng maging makasarili at sariling kasiyahan lamang ang piliin. Magkakaanak na kami, hindi rin pwedeng hindi ko panagutan si Francine." Malungkot na kwento nito. Sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan namin.
"I'm curious. Pa'no umabot sa ganito?"
"Uhm, remember when you asked me to get close to her para mabaling ang atensyon niya sa iba at masolo mo si Rouge? We got drunk and that's that. I didn't expect that she'll get pregnant."
Matapos naming mag-usap ay pumasok na rin kami sa loob. Hindi rin naman nagtagal ay umalis na din sila. I found out that Francine is now living with him.
Honestly, hindi ako sang-ayon dito. Pero sino ba naman ako para makielam? Disesyon nila iyon. Pero naiisip ko si Maya, kung anong mararamdaman niya. Hindi man niya sabihin ay alam kong gusto niya rin ang lalaki.
Mabilis lang talagang lumipas ang oras kapag may pinagkakaabalahan ka o kasama mo ang mga taong mahal mo. Hindi ko namalayan na nasa ika-tatlong buwan na ako ng pagbubuntis ko. Si Rouge naman ay ganun pa rin, sobrang maalaga niya sa amin ngunit nitong mga nakaraang araw ay palagi nalang siyang tila balisa. Minsan ay napapansin kong nakatulala siya sa hangin. Kapag tinatanong ko naman kung ano ang problema ay umiiling lang siya at hinahalikan ako sa noo. Nagtatampo na ako, ang sabi niya hindi pwedeng matulog kami na hindi sinasabi kung may problema. Akala ko ba mag-asawa kami?
"Hey," tawag ko kay Rouge na naabutan kong nakahiga sa kama at may nakapatong na laptop sa lap. Kaya ba tinawag na laptop ang laptop kasi ipapatong yun sa top ng lap? Bigla akong napaisip.
Saglit lamang itong tumingin ngunit kaagad ding binalik ang atensyon sa laptop. Napanguso ako.
Sumampa ako sa kama at yumakap sa bewang niya pero tinanggal niya lang iyon.
"Problema mo?" Inis na tanong ko dahil di niya pinapansin ang paglalambing ko.
"I have work to do Raya."
"Raya na naman? Hindi mo na talaga ako mahal?" Pinagkrus ko ang braso ko at pinagtaasan siya ng kilay. Bumuntong hininga lang siya at itinabi ang laptop. He looked piss.
"Raya, I'm tired. Bukas ka nalang mangulit." Wika nito at hinilot ang sentido. Napayuko ako. Siguro sobrang kulang ko talaga sa atensyon? OA lang siguro ako. Malungkot ko siyang tinanguan at nagbigay ng distansya sa pagitan namin. Kinuha ko ang kumot at itinakip iyon sa katawan ko.
Siguro nagsawa na siya sa akin? Siguro napagtanto niya na may mas better pang iba kesa sa akin. Pero dapat hindi ko siya pinapangunahan sa mga iniisip niya. Pero what if diba? Nakatulugan ko na lamang ang pag-ooverthink ko kaya tuloy pag-gising ko ay napakasama ng pakiramdam ko.
Nakasimangot na pumasok ako sa kusina. Naabutan ko roon si Nay Rosita at si Maya na nagluluto ng almusal, weird, kadalasan ay si Rouge ang nagluluto ng almusal ko ngunit ngayon ay wala. Nakaputing uniporme si Maya dahil nursing ang kinukuha niyang kurso ngunit walang wala ang kaputian noon sa itim ng awra niya. Gloomy. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa sa sobrang lungkot ng mukha niya.
"Oh hija, nagluto ako ng siopao dahil sabi ni Rouge ay ito daw ang gusto mo sa almisal." Wika nito at pinaghain ako. Naupo naman ako at tiningnan ang siopao. It looks appetizing pero wala akong gana.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)