Nakarating ako sa hotel and resort kung saan magci-celebrate ang mag-asawa ng monthsarry daw nila at in fairness, ang ganda ng set up. Nasa bukana palang ako ay halatang nirentahan nila ang buong resort dahil walang katao tao. Hayst, naiinggit na naman ako. Come to think of it, ni minsan hindi kami nagcelebrate ni Rouge. Baka nga hindi niya na maalala ang date ng wedding namin.
Malungkot na nagtungo ako sa loob ng hotel. Lumapit ako sa receptionist na ngiting ngiti na nakatingin sa akin. Ang sabi ni Jake ay sa room ni Francine raw ako dumiretso pagdating ko upang makapagpalit ako kaya pumunta ako sa reception kasi hindi ko naman alam kung saan iyong kwarto ng asawa niya.
Mukhang na-brief na ang receptionist sa pagdating ko dahil hindi ko na kinailangang magtanong pa at kaagad niya akong iginiya patungo sa elevator.
"Third floor, room 35. Here's the key. Enjoy your stay ma'am!" Masiglang wika nito. Nginitian ko lang siya at nagpasalamat.
Pagpasok ko roon ay naabutan ko si Francine na nakangiti. Napatingin ako sa tiyan niya na may kalakihan na rin, pareho kaming nasa ikatlong buwan na.
"Hi Alexian, here's your dress. Change kana para malagyan na kita ng make up." Sinunod ko siya at kinuha iyong damit na kulay purple mula sa kamay niya.
"You know what Alexian, I really do love Rouge. But we both know that it's just a platonic love as he only loved me as his younger sister. He just got pressured by our parents so he proposed to me." She suddenly said while putting make up on my face.
"I understand. I'm happy that you also find happiness with Jake. Akalain mo yun, ikaw lang pala ang babaeng papakasalan ng baliw na 'yon." Natatawang wika ko.
Matapos niya akong makeupan ay hindi makapaniwalang tiningnan ko ang sarili ko. Bakit parang OA naman? Don't get me wrong, I appreciate Francine's effort but isn't it too much? Sobrang ganda ng pagkakaayos nya sa akin na tila nasasapawan ko na siya na nakasimpleng flowy dress lamang at kaunting makeup pero ako ay kabog na kabog.
Sabay kaming lumabas ng kwarto at naglakad na patungo sa may beach kung saan magaganap ang celebration ngunit nasa bukana palang kami ng hotel ay tumigil siya sa paglalakad.
"Mauna kana pala Alexian, I have to pee." Wika nito na tinanguan ko nalang kahit hindi ko alam kung saan pupunta.
Wala akong makitang ni isang staff kaya hinanap ko nalang ng mag-isa. Strong independent woman naman ako, hindi ako maliligaw for today's video.
Narating ko ang beach front at may nakita akong mga table at mga fairy lights na nakasabit sa paligid na nakabukas na kahit na maliwanag pa.
Naglakad ako patungo roon, wala pang tao kaya naupo muna ako. Hindi ko alam kung nasaan si Jake nang mapatayo ako dahil sa nakikita.
My jaw dropped the moment the sky changed it's color. Nagkalat ang kulay pink sa paligid at nagrereflect rin iyon sa dagat. Sobrang ganda. Isa ito sa mga takipsilim na masasabi kong maganda talaga. Kung dati man ay hindi ko ito naaappreciate pero ngayon ay nagagawa ko na.
Bahagya akong lumapit sa may dagat, hinayaan kong halikan ng alon ang aking paa habang hindi ko inaalis ang tingin sa napakagandang senaryo ng paglubog ng araw.
Kinuha ko ang cellphone ko at kaagad iyong pinicturan. Gusto ko rin ng selfie tapos ito ang background, hayst wala kasing magpipicture sakin dahil walang katao tao. Napanguso ako at tumalikod mula sa tanawin at akmang iaangat ang kamay para makapag-selfie nang mapatakip ako sa bibig ko sa aking nasilayan.
Rouge is behind me, kneeling. With a velvet box on his hands.
"Hi." Panimula nito. "Hi baby, I just want to say sorry for ignoring you for days. It's just that, I don't want to ruin my surprise. Alam mo namang lahat ng bagay ay sinasabi ko sayo at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na ibuko itong sorpresa ko." Wika niya, hindi ako makaimik, hindi makapaniwala sa nakikita. Nang mag-angat ako ng tingin sa paligid ay nakita ko sila Jake na nagvivideo habang malaki ang ngiti ng asawa niya. Andun rin sila Maya at Nay Rosita na parehong malaki ang ngiti, kasama naman ng mga magulang ni Rouge ang kambal at ang hindi ko mapaniwalaan ay ang aking mama at si Alexis ay andito rin. "Baby, we've been through a lot already. And I know we didn't have a proper marriage. Nag-umpisa man tayo sa mali, magtatapos naman tayo sa tama. Baby, allow me to marry you again. This time, sa simbahan na. Will you marry me?" Unti unti akong tumango at nilahad sakanya ang kamay.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)