"SUNOD sunod na kontrobersya ang kinakaharap ngayon ni President Benitez matapos may mag-upload ng video kung saan nasagasaan ng minamaneho niyang sasakyan ang biktima na kinilalang si Alexandra Monteroso, na kalaunan ay namatay. Ang video na lumutang ay sinasabing nangyari tatlong taon na ang nakakaraan bago pa lamang ito maupo bilang presidente. Kaninang hapon lamang ay inaresto ang Presidente at ngayon ay nakadetain sa Manila City Jail habang nililitis ang kaso. Tikom ang bibig ng pamilya ng Presidente. Samantalang pansamantalang ang Vice President naman ang pumalit sa pwesto nito. Balik sayo."
Napatigil ako sa pag kain ng apple at napatitig sa TV. Nasa hospital room na ako ngayon at si Maya nalang ang naabutan ko, malamang ay dahil rito.
Kung si President ang nagmamaneho ng sasakyan, ibig sabihin, hindi si Rouge ang may kasalanan? Bakit parang nabunutan ako ng tinik nang malaman kong hindi iyon si Rouge? Na hindi si Rouge ang may kasalanan. Argh!
Justice will be serve right?
"Ma'am, sabi po ng doctor habang tulog ka ay kailangan niyo raw pong magpahinga para po sa baby mo. Mahina raw po ang kapit ni baby." Ani Maya na naghihiwa ng apple. Tumango naman ako at hinaplos ang tiyan ko. I'm glad you're safe my baby.
I have to see Rouge, he sure has been going through alot. Ito ang ginusto ko diba? Ang mahuli ang may sala sa pagkamatay ni ate pero bakit sa ideya na nahihirapan ngayon si Rouge ay sumasakit ang puso ko? Maybe it's because of my pregnancy, right? Hormones.
"Ma'am," naalimpungatan ako nang paulit ulit akong yugyugin ni Maya. "Alam ko hong bawal sayo ang mastress pero po, si sir." Pagkasabi na pagkasabi niya noon ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Inantay ko ang sasabihin niya, pinapanatili kong maging kalmado kahit na naghuhurumentado na ang puso ko sa kaba. The anticipation is killing me. "Si sir ho naaksidente, dead on arrival raw ho."
And with that, I feel like my whole world stopped.
Am I hearing things?
"Nagbibiro ka ba Maya? Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Bahagya pa akong tumawa kahit basag na basag na ang boses ko. Someone please wake me up from this dream. Hindi ito totoo, panaginip lang ito!
She looked at me and before I knew it, I broke down crying while Maya hugs me.
Hindi ko man lang nasabi sakanya.
"Maya okay na ba lahat? Si Vermillion ba gising na?" Tanong ko kay Maya habang nagluluto ng mga dadalhin namin.
It's been what? Almost four years already.
Matapos mapatunayan na hindi si President Benitez ang dahilan ng pagkamatay ni Ate ay nakalabas ito ng kulungan. The said video was edited and my sister's cause of death was not from the accident but because of heart attack.
After that, he resigned as the President of the country and flew to the States with her wife.
"Hi there, Vermillion and Berry are turning three na. I miss you so much, please guide us from above. Kung hindi dahil sakanilang dalawa ay baka hindi ko na kinaya pa na magpatuloy. Si Berry, kamukhang kamukha mo, kung siguro andito ka, magiging daddy's girl siya. Si Vermillion naman manang mana sa ugali mo, he always calls me queen I don't know where'd he get that." Natatawang kwento ko pero hindi pa rin mawala ang pait sa puso ko. Hindi ko magawang maging masaya. Paunti unti, sinusubukan ko, pero may puwang pa rin.
Ang dalawang bata ay naglalaro sa may damuhan kasama si Maya.
Matapos ang naging visit namin sa sementeryo ay babalik rin kami sa probinsya. Tuwing death anniversary niya ay pumupunta kami sa Manila upang bisitahin ang puntod niya.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)