"MISS I'm asking you, who are you?" Ani nito sa malamig na tono. His voice is the same as before but it seems like it wasn't, hindi na siya kagaya ng dati.
Imbes na sagutin ang tanong niya ay nakita ko nalang ang sarili kong tumatakbo papayakap sakanya.
Oh gosh!
If this was a dream I prefer not to wake up!
Ngunit nakumpirma ko na hindi panaginip ang lahat nang isang malakas na pwersa ang humila sakin papalayo sakanya at isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko.
Gulat na napatingin ako sa pinanggalingan noon ngunit mas lalo akong nagulat nang makita ko ang pagkakayakap noong babaeng sumampal sa akin kay Rouge.
My Rouge.
He's here, safe and sound.
Malamig ang tingin niya sa akin habang hawak hawak ang babaeng sumampal sa akin. Di ba dapat ay ako ang lapitan niya dahil ako ang sinampal noong babae.
"Who is she love?" Tanong noong babae kay Rouge. Nakakunot lamang ang noo nito na nakatingin sa akin ngunit kaagad na umiling.
"I don't know her, just some trespasser." Malamig na wika nito na ikinabagsak ng balikat ko. Is he just acting up or is it real? I looked into his eyes and something is right there, indifference.
Did he forget about me? O galit siya sa akin dahil akala niya ay nagpabuntis ako sa iba.
"Miss, kung ayaw mong tumawag ako ng guard at ipakaladkad ka palabas ay umalis kana ng kusa. Freak." Wika ng babae na bakas ang American accent sa pagsasalita ng tagalog nito.
Muli kong sinulyapan si Rouge, walang pinagbago sa tingin nito. Malamig pa rin.
Pagmumukhain ko lang tanga ang sarili ko kung magtatagal pa ako rito. Hindi ganito ang inexpect kong magiging unang pagkikita namin. Heck, hindi ko nga inexpect na magkikita pa kami ulit.
I really thought he was dead.
Mas masakit pa atang makitang buhay na buhay siya at may mahal nang iba kaysa noong malaman kong wala na siya. Wait, hindi niya naman ako minahal, ako lang pala yung nagmamahal.
Wag ka ngang magsalita ng ganyan, dapat masaya ka kasi buhay siya.
Damn it Alexian Hiraya, wag ka ngang umarte na akala mo ay may relasyon kayo noon.
After I poured my eyes out in the parking lot, saglit ko munang pinakalma ang sarili ko at naglagay ng makeup upang matakpan ang namamaga kong mata.
You should be happy Alexian Hiraya. He's alive, that's a good thing. Hayaan mo nalang kung hindi na kayo pwede. Nakaya mo nga ang apat na taon na wala siya, kakayanin mo rin ang mga susunod na taon pa. Basta kasama mo ang mga bata. Kaya mo yan! Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. You are beautiful, sexy, smart, and kind. Kaya mo yan!
Mas lalo lang akong naiyak kaka-console sa sarili ko. Kakalagay ko lang ng makeup eh! Nasira na naman sa pag-iyak ko. I shouldn't come home looking like a mess.
"May kailangan ka ate Raya?" Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-hikbi, baka mag-alala lamang si Maya.
"Maya can you ask Jake to stay with you and the kids for the night, hindi kasi ako makakauwi ngayong gabi. May mga kailangan akong asikasuhin." Wika ko, pinipilit na hindi masinok.
"Tungkol saan ate? Wala ka namang trabaho dito sa Maynila." Wika nito, nagdududa.
"May inaasikaso akong property." Pagsisinungaling ko. Hindi naman na ito nagtanong pa at hinayaan nalang ako. Pero alam kong hindi ito naniwala. Tinext ko din si Jake na doon muna magstay ngayong gabi para may kasama sila.
BINABASA MO ANG
Mr. President's Son
General FictionThe president's son was rumored to be gay so his father hired a stripper to made him straight but one day, the stripper came knocking to their door saying that she's pregnant with his child. (Photo not mine)