Prologue

5.5K 145 13
                                    

"Sorry, kuya Damian. Minahal lang kita," sabi ko kasabay nang pagragasa ng luha mula sa aking mga mata.

Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa dinami-rami ng tao, bakit sa may asawa't anak pa ako nagkagusto nang ganito?

"Hindi tama 'to kaya lalayo na ako. Maraming salamat sa mga ala-ala na nabuo natin, kuya. May babaunin ako sa pag-alis ko. Kahit papano'y hindi pa rin ako talo." Huminto ako at saka ngumiti. Pinunasan ko rin ang luha sa aking mga pisngi. Wala siyang ideya kung gaano ako nagpipigil na lumapit sa kaniya at yakapin siya kagaya ng palagi kong ginagawa. Siya ang takbuhan ko sa mga panahong lugmok ako o sa tuwing hindi umaayon ang kapalaran sa inaakala kong magandang proseso nito. Lagi siyang nandiyan at ni minsan, hindi niya pinaramdam sa akin na pabigat ako o ano. Hindi ko naman inaasahang magiging mahirap pala para sa akin ang planong paglayo sa kaniya. Bawal kasi. Lumagpas na ako sa linya ng hangganan.

"Sana h'wag kang magbabago sa pagiging malambing mo, sa pagiging mabuti mong tao. Salamat kuya Damian at nakilala kita. Masiyado na akong maraming nasabi at baka sabihan mo pa akong madrama," sambit ko at saka pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa aking mga pisngi.

"Sige na po. Aalis na ako. Baka kasi kapag nagtagal pa ako rito ay hindi ko na gustuhin pang kalimutan ka." Nagawa ko pang sabihin 'yon? Nakakabilib ka naman pala Keifer! Binulong mo nga lang sa hangin iyong huli mong sinabi dahil alam mong kapag nilakasan mo, baka ikaw na mismo ang bumigay at tuluyang sumuko sa plano na akala mo ay gano'n-gan'on lang.

Clown ka talaga, Keifer.

Tumalikod na ako sa kaniya. Nakakailang hakbang pa lang ako nang may yumakap sa akin mula sa likuran.

"H'wag mo akong iwan."

Apat na salita lang ang binitawan niya at alam kong nakasalalay sa isasagot ko ang magiging takbo ng hinaharap naming dalawa.

Pakikinggan ko ba siya o gagawin ko kung ano nararapat?

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon