Kabanata 4

3.3K 114 15
                                    


KEIFER

Nagluluto ako ngayon ng ulam namin ni tatay. Paksiw na bangus ang naisip kong lutuin dahil isa ito sa mga paborito niya. Nagulat na lang ako nang pumatak ang luha mula sa aking mga mata kaya agaran ko itong pinunasan pero dumagsa ang mga luha't napuno nito ang mga pisngi ko.

Luto naman na ang ulam kaya hinango ko na mula sa kalan de uling saka ko pinagtuunan nang pagpansin ang pagpahid ng mga pisngi.

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng insidenteng naganap noon sa guard house dahil kay tatay. Sa tatlong araw na 'yon ay hindi na muli pang nagpakita si nanay. Hindi na siya umuwi. Hindi na siya bumalik.

Pinahid kong muli ang pisngi na basang-basa ng luha. Miss ko na si nanay. Kaya pala niyakap niya ako noon bago siya umalis. Hindi ko naman inaakalang 'yon na pala ang huli naming pagkikita. Kung alam ko lang ay niyakap ko rin siya nang mahigpit at nilubos ang pagkakataon na mahagkan niya.

Umiyak man ako, wala na akong magagawa pa. Walang kasiguraduhan kung babalik pa si nanay o kung babalikan niya pa ako. Siguro ay sumuko na siya sa pananakit ni tatay. Sinukuan niya na kami.

Sa tatlong araw na wala siya, tatlong araw na rin akong nagtitiis sa pananakit ni tatay. Walang araw na hindi ako nakaligtas sa pagmamaltrato niya. Physically and mentally, bugbog sarado na ako. Napakarami kong bangas sa mukha. May pasa rin ako sa gilid ng labi na lagi kong tinatago sa pamamagitan nang pagusot ng face mask. Mabuti na lang din at humupa na ang black eye sa kaliwa kong mata at hindi na masiyadong pansinin. Siguro naman ay pwede na akong magpakita kay kuya Damian. Tatlong araw na rin kasi akong umiiwas sa kaniya dahil ayaw kong makita niya akong ganito. Baka ireport niya na naman sa baranggay o kung saan man, mas malaking ayusin iyon kapag umabot sa pulis ang sitwasiyon namin ni tatay. Kahit na ganito sa akin si tatay ay mahal ko pa rin naman siya at ayaw kong may mangyari na masama sa kaniya. At sana gano'n din siya sa akin pero napakalabo mangyari no'n.

Marami naman ang nailuto kong ulam kaya kumuha ako ng plastic container para bigyan si Kuya Damian. Pang-gabi ang duty niya ngayon at mamaya pang alas siyete ang pasok niya. Maga-ala sais pa lang kaya siguro ay iiwanan ko na lang sa guard house ang ulam niya para makabalik agad ako rito sa bahay. Baka mas lalo kasing uminit ang ulo ni tatay kung hindi niya ako makikita rito. Ayaw ko na nang gulo kaya hangga't maari, susunod na lang ako sa mga gusto niya. Mahirap na kung meron pang ibang tao na madadamay sa galit ni tatay. Hangga't maaari ay ako na lang ang sumalo lahat ng galit niya. Kaya ko naman. Kinakaya.

Nang mailagay sa plastic ang plastic container ay nagtungo na agad ako sa guard house. Naabutan ko si Mang Jerry doon.

"Kamusta na, hijo?" bati niya sa akin at napansin ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya nang makita ang itsura ko. "Sinasaktan ka pa rin ba ng tatay mo?" tanong niya habang iiling-iling.

Tumawa ako nang pilit. "Hindi naman po. Napaaway lang ako sa school kaya may bangas ako, Mang Jerry."

"Kilala kitang bata ka. Hindi ka basag-ulo kaya hindi mo ako maloloko," sabi niya pa.

Hindi na ako sumagot at saka ibinigay sa kaniya ang hawak kong plastic bag.

"Makibigay na lang po ito kay kuya Damian mamaya pagpasok niya para may ulam po siya mamayang breaktime. Salamat, Mang Jerry," sabi ko.

"Hindi mo na ba siya hihintayin? Malapit na pumunta rito 'yon at maga-alas siyete na," suhestiyon niya sabay kuha ng inaabot ko. Inilagay niya iyon sa mesa at muling humarap sa akin.

"Hi!"

Narinig ko pa lang ang boses niya at tila ba nasiraan na ang puso ko. Nag-umpisang kumabog ito nang malakas na para bang lalabas na sa loob ng aking dibdib. Hindi ako kabado. Hindi ko rin alam bakit naga-alboroto ng ganito ang puso ko. Marahil ay nagdiriwang kasi sa tagal ng panahon ay makakausap at makakasama ko na ulit si kuya Damian? Na-miss ko rin siya. Sobra.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon