Your votes are highly appreciated! Thank you 🥰
--
Keifer
Ilang minuto rin akong nakatulala sa labas, nag-iisip kung tama bang magpaka-martyr pa ako. Oras na ba para umalis ako sa puder ni kuya Damain? Dito na ba titira sila Shina at ang anak nilang si Dama? Saan naman ako tutuloy kung sakaling umalis ako rito? Kanino? Kanila Hunter? Hindi pwede. May history conflict ang mga magulang niya sa pamilya ko. Ayaw ko rin makaabala sa kaniya at kahit na sino.
Babalik na lang yata ulit ako sa bahay namin talaga kasama si tatay. Nasaan na kaya siya? Kamusta na kaya ang tatay ko?
"Umiiyak ka ba?"
Kung saan-saan na ako dinala ng isip ko at parang nakikita ko ngayon si Hunter sa harapan ng pintuan kung saan lumabas sila kuya Damian kanina.
"Teka? Ayos ka lang ba? Sino ang nagpaiyak sa 'yo?"
Doon lang ako natauhan nang lumapit sa akin si Hunter, yumuko siya para maka-lebel sa kinalalagyan ko at wala ano-anong binalot ako ng mga bisig niya. Pakiramdam ko noong sandali na 'yon ay may kakampi ako. Laking pasasalamat ko kay Hunter dahil sa kaniya, naramdaman kong hindi ako nag-iisa.
Hinaplos-haplos niya ang buhok ko't naging dahilan 'yon para ipikit ko ang mga mata. Kahit na si Hunter ang kasama ko ngayon, bakit si Kuya Damian pa rin ang siyang nakikita ko, naiisip ko. Kung paano siya ngumiti sa tuwing may dala akong pagkain para sa kaniya. Kapag sabay kaming kumain sa gabi at pagkaraa'y magkatulong na nagliligpit ng plato. Iyong mga kwentuhan namin bago matulog habang nakatitig lang siya sa kisame samantalang ako ay nagnanakaw ng sulyap sa gwapo niyang mukha. Lahat ng anggulo siguro ni kuya Damian ay nakarehistro na sa isip ko at hindi ko maiwasanh malungkot at mainis sa sarili dahil parang nakakabastos naman 'yon sa parte ni Hunter.
"Ayos lang 'yan. Umiyak ka lang. Ilabas mo lang lahat para mamaya ay maging okay ka na. Nandito lang ako, hindi kita iiwan," malumanay niyang bulong sa aking mga tenga.
Iniwan mo na nga ako no'n.
Hindi ko alam pero parang napakahirap na sa akin ang paniwalaan si Hunter sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang 'yon. Marahil kapag nasira na talaga ang tiwala ng isang tao, parang napakahirap na itong ibalik nang kagaya noong dati.
"Thank you," sabi ko sa kaniya at hindi na pinatagal pa ang mga sandali. Kinuha ko ang sarili mula sa pagkakayakap niya't pinunasan ang mga luha. Nakakahiya man pero nasaksihan na naman ni Hunter ang itsura ko sa tuwing parang pinagkakaitan ako ng karapatang sumaya.
"Asawa ba no'ng sekyu iyong kasama niyang babae? Anak nila iyong bata? Nakita ko lang sila kanina noong inaantabayan ko silang umalis. Pupunta na sana ako rito kanina pa kaso mukhang may lakad, e. Inantay ko na silang makalayas para makapag-almusal na tayo," nakangiti niyang sabi saka umayos nang pagkakaupo sa sahig. Nag-indian seat siya. Nasa gilid ko lang iyong pagkain at hindi ko naman niligpit iyong mga plato na inayos ko kanina kaya nilagay lang ni Hunter sa gitna namin iyong malakong ng fried rice. Inayos niya lahat, tinanggalan ng takip at saka nagsandok ng mga 'to sa plato namin.
"Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kaniya.
Huminto siya sa ginagawa at saka alanganing tumingin sa akin.
"Kung ako ang inalok mo kanina, hindi ako tatanggi. Ang sarap kaya ng luto mo!" sabi niya pa at alam kong paraan niya lang iyon para pagaanin ang loob ko.
BINABASA MO ANG
SEKYU 1 (BL) Completed
General FictionCOMPLETED Alam ni Keifer na malaki ang posibilidad niyang matalo sa laro ng pag-ibig oras na pasukin niya ang buhay ni Damian, isang sekyu sa katabi nilang subdibisiyon. Sadiyang makulit siya at hinayaan niya pa rin ang pusong mahulog ng husto sa mg...