Chapter 36

610 52 21
                                    

Vaine Fleur

Sabado ngayon at naisipan kong bisitahin si Yna sa bahay nila. Plano ko kasing ipagluto siya at alam kong gusto niya din na mag-stay nalang sa bahay nila para magpahinga kesa mag-date kami sa labas.

"Good morning po." bati ko kay tito Theo nang makapasok ako. May inaayos ito sa sasakyan niya at mukhang problemado.

"Oh, Vaine! Ang aga mo naman ata ngayon? Good morning din." bati niya din pabalik pagkatapos kong mag-mano sa kanya.

"Bibisitahin ko lang po si Yna, Tito. Nandyan po ba siya?" tanong ko naman.

"She's inside. Pero baka tulog pa lalo na at nagbabawi iyon. May inoperahan kasi kaya inumaga na siya bago makauwi." sagot naman ni Tito.

"Ah ganun po ba. Hihintayin ko nalang po siya magising. Ano nga po palang problema dito?" tukoy na tanong ko habang nakatingin sa sasakyan na inaayos niya.

"It won't start. I've done everything, but I still can't find the problem." namomroblemang sagot niya sa akin.

"Pwede ko po bang tingnan?" tanong ko.

"Sure. Go ahead." sagot naman ni Tito kaya muli kong binuksan ang hood ng sasakyan para hanapin ang problema.

"Yung ECM niyo po yung may problema, Tito. Mukhang maluwag yung connections." sambit ko nang mahanap ang problema.

Hinigpitan ko lang ang connnector at nilinis ang konting kalawang sa paligid nito bago ipina-istart ulit kay Tito yung kotse.

"It's working!" masayang sabi ni Tito nang umandar na ang makina ng sasakyan na ikinangiti ko naman.

"Ang galing mo, hija! How did you learn all of this?" tanong ni Tito sa akin.

"Mahilig din po kasi ako sa kotse, Tito. Gamay ko na po yung mga ganyang problema." sagot ko naman.

"Mukhang makakatipid na ako sa gastos sa pagpapagawa ng kotse ko ah." pagbibiro pa ni Tito na ikinatawa ko.

"Sure, Tito. Basta ba anak niyo yung bayad." pagbibiro ko rin.

Sabay kaming tumawa dahil sa sinabi ko. Tinapik lang ako nito sa balikat at saka nagpaalam na may aayusin daw siya sa garahe kaya pumasok na din ako sa loob ng bahay para makapagluto.

Nang makarating ako sa loob ay naabutan ko si Tita na mukhang kakagising lang.

"Good morning po!" masayang bati ko kay tita Mikha na mukhang nagulat pa nang makita ako.

"Vaine? You're quite early today." sabi ni Tita sa akin.

"Gusto ko po sanang ipagluto si Yna at syempre kayo na rin po. Pwede po bang ako muna ang taya, Tita? Para naman hindi po puro kain lang yung ginagawa ko dito." sambit ko na ikinatawa din ni Tita.

"Well, help yourself then. You're just in time, we haven't cooked breakfast yet. I'll just go to the garden to check on my plants. If you need anything, just come find me, okay?" sabi naman ni Tita.

"Okay po. Thank you, Tita." sagot ko naman.

Pagkatapos naming mag-usap ni Tita ay dumiretso na ako sa kusina para makapag-umpisa nang magluto. Simple breakfast lang naman ang ihahanda ko para na din hindi matagalan at baka magising na si Yna maya-maya. Ako nalang din ang magluluto ng lunch mamaya para mapatikim ko din sakanila ni Tita ang specialty ko.

Feel na feel ko na talaga ang pagiging housewife sa mga pinag-gagawa ko.

I just cooked a typical Filipino breakfast of hotdog, bacon, and scrambled eggs. Since I know Yna doesn't eat rice in the morning, I made her avocado toast and oatmeal with fresh fruits.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 7 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon