ℙ𝕣𝕠𝕝𝕠𝕘𝕦𝕖

16.6K 234 35
                                    

"Claude Cariaga"


Tinitigan ng ama ng bata ang nasa harap niya mula sa pangalang binanggit ng binata. Mababanaagan sa kaniyang mga tingin na para bang sinusuri nito ang katauhan ng binata na nagpapakaba sa kaniya kahit pangalan palang ang impormasyong nababanggit niya.


Bakit? Dahil ang pangalan na kaniyang binanggit ay hindi niya totoong katauhan. Sino nga ba siya?

Walang iba kundi si Claude Hesita, isa sa mga anak ng nagmamay-ari ng pinakamalaking port sa Pilipinas at Asia, ang Portus

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Walang iba kundi si Claude Hesita, isa sa mga anak ng nagmamay-ari ng pinakamalaking port sa Pilipinas at Asia, ang Portus. Dalawampung taong gulang, kasalukuyang kumukuha ng  kursong Bachelor of Science Aviation Major in Aviation Management. Kilala siya sa pagiging matinik pagdating sa pambababae dahil sa ma-charisma nitong ngiti at pagkakaroon ng sense of humor para makadali ng mga babae.


"So, you are the new speech therapist for my son, Skye? How did you know that I'm currently looking for a speech therapist? And based on what I saw, you seem close to my son already? How did you meet? When did it happen?" Sunod-sunod ang tanong ng ama kay Claude na hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ng nasa harap niya na si Lucian.

Si Lucian Raine Frades ay ang ama ng batang si Skye

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Si Lucian Raine Frades ay ang ama ng batang si Skye. Isa siyang dating sundalo na tumigil dahil na rin sa pinsalang kaniyang natamo sa pakikibakbakan sa isang gyera. Ngunit ngayon ay nagmamay-ari ng SpyE Inv., isang private investigation firm. Kilala siya bilang isang istriktong amo sa lahat ng kaniyang empleyado na hindi sa kaniya p'wede ang magkamali dahil na rin sa uri ng kaniyang trabaho.


Bago pa sumagot si Claude sa kaniyang mga katanungan may humampas na maliit na kamay sa gilid niya.


"Dy..Caude..fwaid," [Daddy..Claude..Afraid]  saka tumakbo sa tabi ni Claude at niyakap ang kaniyang hita habang nakangiting nakatingala sa kaniya.

Afraid]  saka tumakbo sa tabi ni Claude at niyakap ang kaniyang hita habang nakangiting nakatingala sa kaniya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


At ang munting batang ito ay ang dahilan kung bakit nasa sitwasyon ngayon si Claude na hindi niya kayang alisan na lang basta. Siya si Linus Skye Frades na limang taong gulang. Iba siya sa batang kaedaran niya na matatas na magsalita at kaya ng bumuo ng mga salita dahil pagdating sa kaniya, hirap na hirap siya. May problema siya sa pagsasalita lalong-lalo na sa pakikipag-usap sa ibang tao na kaiba sa ipinapakita niya kay Claude.


"I guess I can't do anything right now because my son really likes you. But it doesn't mean that I will deal with you easily. I still need to talk to you regarding my son's condition. The dos and don'ts, the rules and regulations, your salary, and especially the kind of treatment you should give him—are we clear on that, Mr. Cariaga?" Prominentang pagsasalita ng ama ng bata.


Wala ng nagawa si Claude kung hindi tumangong muli sa tanong ng ama kahit naman labag ito sa loob niya. Ano nga ba ang alam ng isang aviation student sa pagiging speech therapist?


Sa isang iglap lang ay nagbago ang ikot ng mundong kaniyang gustong galawan. Nagkaroon siya ng bagong katauhan sa mga kasinungaling lumalabas sa kaniyang bibig upang mairaos lang ang sitwasyon niya. Ngunit hanggang kailan niya mapapaniwala ang mga taong nasa paligid niya? Sa mga mababanggit niya, ano dito ang katotohan at ano ang mga kasinungalingan?





-  -  -  -  - 

Eto na! I hope na suportahan niyo rin ang kuwento ni Claude tulad ng pagsuporta niyo sa kuwento nina Blake and Eiji. You can add this story to your library to be updated. Love you lots sa mga readers and supporters ko!


j u n j o u h e a r t

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon