𝕊𝕞𝕠𝕜𝕖 23

4.7K 183 157
                                    

     Nakaupo ako dito sa sulok habang si Skye ay nakakandong sa akin. Nakayakap ng mahigpit ang maliliit niyang mga bisig at nakadukdok ang mukha sa balikat ko. Hinahaplos ko ang likuran niya para pakalmahin siya dahil ramdam ko ang takot sa katawan niya.


"Takot ako, Caude. Takot," paulit-ulit nitong sabi.


Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. "I'm here, so nothing bad will happen to you. Promise," saad ko sa kaniya.


Tumingin ako sa paligid upang mapag-aralan ko ang maaaring makatulong sa aming makatakas dito. Isang bintana lang ang meron na may harang na bakal at kahoy na hindi pa kami kakasya. Ang pintuan naman ay gawa sa bakal na tanging may maliit na butas na kasya lamang ang kamay.


Hindi rin ako nakakarinig ng anumang ingay ng kotse o tao mula sa labas. Mas nangingibabaw ang ingay ng mga kulilig kaya paniguradong nasa liblib kaming lugar.


"Ano bang gagawin dito? May utos ba?"


"Maghintay lang daw sabi ni Sir."


Rinig ko ang usapan mula sa labas ng kwartong pinagkulungan sa amin. Hindi ko alam kung saang parte na kami ng Pilipinas. Sa kaligatnaan ng byahe kanina, habang nagda-drive ako, nagpalit kami ng lalaking may nakatutok ng baril sa akin. Pagkatapos siya na ang nag-drive, at pinirangan nila ang mata ko. Kung susumahin, inabot kami ng dalawa hanggang tatlong oras ng byahe kaya malayo rin ang lugar na ito.


Humiwalay ng yakap si Skye at tumingin sa akin. "Yaw ko dito, Caude. Alis na us."


Nginitian ko siya at hindi ko pinaparamdam kung gaano kabigat ang sitwasyon namin. Isa sa prayoridad ko ngayon ay ligtas siya at hindi masaktan. Ayaw ko na ma-trauma ang bata sa sitwasyon niya ngayon. Iyon ang gusto kong iwasan.


"Gagawa ako ng paraan para makaalis dito. Pero sa ngayon, kung ano man ang ipagawa nila sa'yo ay sundin mo, okay? "


Umiling naman siya. "Bad sila. Di ko sila sunod kasi bad sila," kontra nito sa sinabi ko.


Hinawakan ko naman ang ulunan niya. "I know, Skye, but right now we need to obey them. Sila ang may-ari ng place na 'to at nasa place nila tayo," paliwanag ko sa kaniya.


Nakita ko ang malaking tutol sa mukha niya at maraming katanungan pero tumango na lang ito kaya muli ko siyang niyakap. Tinapik-tapik ang likuran niya habang naghu-hum upang kahit papaano ay gumaan ang paligid namin.


"Caude, wuhaw ko," biglaang pananalita nito.


Walang anumang kagamitan ang nandito sa loob. Tanging ilaw lang sa kisame na hindi pa ganon kaliwanag pero sapat na para makita namin ang paligid.


Ibinaba ko naman siya sa sahig. "Hihingi ako. Stay ka lang dito."


Tumango naman siya kasabay ang pagyakap niya sa tuhod niya. Naglakad ako papalapit sa bakal na pintuan kasabay ang pag-uga dito para malaman ko kung matibay ba o kayang patumbahin. Kaso makapit ang pintuan at hindi basta-basta masisira.

Smoke and MirrorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon