May kaba sa dibdib ko habang tinatahak ang daan patungo sa main door ng mansion. Lalo pa't naalala ko ang mga pinagsasasabi ni Wei na parinig kay Sir na hanggang ngayon natatawa pa rin ako sa Lovely Suite na nireserve niya kuno.
"Long time no see, Claude," pabirong banggit sa akin ni Tim ng magkasalubong kami dito sa harap.
Napangiti naman ako. "Miss niyo ko?"
"Slight," sabay tawa nito. "Pasok ka na sa loob dahil kahapon ka pa hinahanap ni Skye. Kinakabahan baka hindi ka na bumalik."
"Sige, pasok na 'ko."
Pumasok na ako sa loob. Hinubad ko ang sapatos ko at pinalitan ng pambahay na panloob na tsinelas. Tinatahak ang patungo sa sala ngunit napahinto ako ng may makita akong kasundaluhang nakaupo sa couch. Mga naka-uniporme pa sila.
"Dada!" Napahinto akong muli sa paghakbang at bumaling sa may hagdan kung saan nagmamadali si Skye na bumababa.
"Ang laki na ni Skye."
"Dati karga karga lang namin 'yan."
Rinig kong mga komento ng mga kasamahan ni Sir Lucian na tuwang tuwang makita ang anak niya ngunit hindi sila pinansin ni Skye. Nakasimangot ang mukha niya na parang naiirita sa hindi ko alam na dahilan.
"toy...bown..tack..dun..tado ko..banket..gone," dire-diretsong salita ni Skye sa ama niya na hindi alintana ang mga nakapaligid sa kaniya.
Kahit nag-improve na ang pananalita ni Skye, sa oras naman na natataranta ito ay bumabalik ang dating pananalita niya. Mabilis, hinihingal, at putol-putol na hindi pa maintindihan. Kung hindi ko lang talaga nakabisado ang mga daily words niya, wala akong maiintindihan sa binanggit niya.
Bahagyang napakunot ang noo ng ama niya na hindi nasabayan ang pananalita ng anak niya.
"Put..toy..banket..low...limlim..." umisa pa si Skye na mukhang iiyak na.
Ang ilan sa mga kasamahan ni Sir Lucian ay hindi maipinta ang mga pagmumukha na mukhang ngayon lang nila narinig ang ganoong lenggawahe. Pareho-pareho na silang nafu-frustrate sa sitwasyon ng bata.
Napasabunot na rin si Skye sa sarili niya dahil siguro walang nakakaintindi sa kaniya kaya naawa na rin ako sa sitwasyon nilang lahat.
"Tingnan mo uli," nagsalita na ako kaya naman napalingon sila sa akin.
Tumakbo namang lumapit sa akin si Skye. "La..lis..banket...na " magkasalubong nitong kilay na naiiyak na habang nakasenyas pa ang mga kamay niya ng wala.
"Tingnan mo sa ilalim ng kama mo baka napunta doon. Saka anong ginagawa ng laruan mo doon, hindi ba ang bilin sa'yo walang toys na dadalhin sa bedroom mo," sermon ko kaagad sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
HumorSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...