Iniisa-isa ko ang mga gagamitin ko sa session namin ni Skye para sa araw na ito. Sobrang dami ng mga educational toys, libro, at kung ano-ano pang mga gamit para siya matuto. May pa-black board, reading corner, flatscreen tv, at complete school supplies. Dinaig pa ng study room niya ang mga room ng school dahil mas kumpleto pa ang gamit niya.
"Sabi pala ni Lucian kung may kailangan ka pa na kakailanganin niyo ni Skye, inform mo daw siya para mabili niya kaagad," paalala ni Sir George.
Kahit isang taon ata ako dito, hindi namin magagamit ang mga bagay na 'to. "Sige po," iyon na lang ang sinagot ko.
Nagpaalaam na siya kay Skye na kanina pa nakaupo sa isang maliit na upuan na nasa harap ng isang lamesa. Akala ko nga panonoorin niya ako pero hindi naman pala. Bibigyan niya daw akong privacy na malayang makapagturo kay Skye, pero alam ko namang wala akong takas sa mga mata nila dahil may cctv dito sa loob ng study room niya. Nga pala bukod ang study room ng bata sa playroom niya.
"Let's start na our lesson for today," ngiti kong salita ng mailapag ko ang mga kailangan ko sa lamesa.
Pumalakpak naman si Skye at kita ang excitement sa kung anong ituturo ko sa kaniya. Napansin ko kasi nahihirapan siya mga sounds ng letter kaya iyon ang una kong itatama sa kaniya. Once naman na maayos niya ang mga sounds, madali na lang ang iba pang susunod.
Pinakita ko ang mga alphabet flashcards at pinabasa sa kaniya. Alam niya ang mga letters kaso ang problema ay may mga hindi tama ang pagpronounce.
"Not -t, it's -c." Pag-uulit ko kung saan siya nagkamali.
Tumango naman siya. "-t." saad niya kaya ako naman ang umiling. "Look at my lips. Hindi mo lalagay ang tongue mo between your teeth kapag sinabi mo ang letter C. I will do it again, -cccc," hinabaan ko ang pagbanggit ko sa letter C.
Huminga ng malalim si Skye na seryosong nakatingin sa hawak kong flashcard. "-tttttttttt" Malakas pa nitong sabi sabay ngiti pa pagkatapos sa akin.
Napasapo naman ako sa noo ko. Pangatlo palang kami sa letter pero mukhang aabutin kami ng gabi dito. Akala ko pa naman matatapos namin ang lahat ng letters.
"Ibang letter na nga lang," suko ko na lang. Babalikan na lang namin 'yan, kaya sa iba muna ako magfo-focus. "Eto madali." Hinarap ko sa kaniya ang letter F. "Say -efff."
"epuhhhh"
Umiling muli ako. "Tingnan mo uli ang lips ko, yung teeth ko para siyang nakapatong sa lower lip ko then may lumalabas na hangin kapag sinabi ko ang -efff. Ikaw nga," utos ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya at mabilis na bumuga ng hangin na para bang nagb-blow ng birthday candle. Napatakip naman ako sa bibig ko dahil hindi ko aakalain na hindi pala madali ito. Matutuyuan ako sa batang 'to.
Lumabas na kami sa study room niya na naubos ang lahat ng pasensyang meron ako sa katawan. Kulang ang dalawang oras namin para lang maitama ko ang mga maling pagso-sound niya sa letter. Mukhang matatagalan kami sa parteng iyon.
BINABASA MO ANG
Smoke and Mirrors
UmorismoSmoke and Mirrors (idiom): irrelevant or misleading information serving to obscure the truth of a situation Claude Hesita is an aviation student who needs to disguise as a speech therapist. Hindi siya maaring pumasok sa isang gulo na malalaman ng ka...